NAVOTAS SCHOLARS TUMANGGAP NG ALLOWANCE
- Published on August 4, 2021
- by @peoplesbalita
TUMANGGAP ang academic scholars ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng kanilang allowance para sa March hanggang June 2021.
Nasa 62 beneficiaries ng NavotaAs Academic Scholarship ang nakatanggap ng P4,000-P20,800 educational assistance. 55 dito ang high school students, dalawa ang college, at lima ang teachers.
“Metro Manila will be under Enhanced Community Quarantine starting August 6. We hope the amount they received will help tide their families over the next two weeks,” ani Mayor Toby Tiangco.
“This school year has been tough to our students and teachers, and we are grateful to our scholars for pushing through the hardships. While we cannot yet see the end of this pandemic, we will continue to persevere and do our utmost to keep Navoteños safe,” dagdag niya.
Ang High school academic scholars ay tumatanggap ng P18,000 bawat academic year para sa libro, transportation at food allowance.
Ang Navotas Polytechnic scholars naman ay tumatanggap ng P22,000 bawat academic year para sa tuition, mga libro, transportation at food. Ang Scholars ng ibang colleges o universities ay nakatanggap pareho ng P262,000.
Habang ang teacher scholars ay tumatanggap ng P75,000 bawat academic year para sa kanilang tuition; libro, transportation, food allowance; at research grant. (Richard Mesa)
-
Sarno pressure na sundan ang mga yapak ni Diaz
NAPE-pressure si Vanessa Sarno kapag nauulinigan niyang kaninuman na siya ang susunod na Hidilyn Diaz ng bansa sa larangan ng women’s weightlifting. Biglang sumikat ang 17anyos na Boholana weightlifter mula sa Tagbilaran City nang magkampeon sa women’s 71-kilogram division ng 2020 International Weightlifting Federation (IWF) Online Youth World Cup na binalangkas ng Peru […]
-
ECQ SA NCR PALALAWIGIN O HINDI, MAAGA PANG PAG-USAPAN
SINABI ni Health Secretary Francisco Duque III na masyado pang maaga para pag-usapan kung palalawigin o hindi ang Enhanced Community Quarantine (ECQ ) sa National Capital Region (NCR). Sa isang panayam, binigyan diin ng kalihim ang kahalagahan ng pagsunod sa minimum health standards matapos na sumirit ang bagong kaso ng mahigit 12,000 nitong […]
-
PRC kinuha ang Angkas para sa saliva test home service
Kinuha ng Philippine Red Cross (PRC) ang motorcycle taxi service na Angkas para maging katuwang sa ilang serbisyo nila. Sinabi ni Senator Richard Gordon na mapapalakas ang kapasidad ng Red Cross dahil sa tulong ng Angkas riders. Dagdag pa ng senador, dadaan sa pagsasanay ang mga riders kasama ang mga pamilya […]