Navotas seniors, nakatanggap ng cash incentive
- Published on March 22, 2025
- by @peoplesbalita
NAKATANGGAP ang mga senior ng Navotas City na edad 80, 85, 90, at 95 ng tig-P10,000 cash incentive sa ilalim ng Expanded Centenarians Act.
Ang unang batch na 53 senior citizen, na umabot sa milestone na edad sa pagitan ng Marso 17 at Disyembre 2024, ay nakinabang din sa libreng medical check-up, mga gamot, at basic laboratory tests.
Ayon sa National Commission of Senior Citizens, ang Navotas ang unang local government unit (LGU) sa Metro Manila na namahagi ng insentibo.
Binigyang-diin ni Rep. Toby Tiangco, co-author ng Expanded Centenarian Acts, ang kahalagahan ng pagpaparangal sa mga senior citizen.
“Ang ating mga nakatatanda ay nag-alay ng maraming taon ng kanilang buhay para sa kanilang pamilya at komunidad. Nararapat lang na kilalanin at suportahan sila habang sila ay kapiling natin,” ani Cong.Tiangco.
Nabanggit din niya na ang inisyatiba ay higit pa sa tulong pinansyal.
“Hindi lang ito tungkol sa pera kundi pagpapakita ng pagpapahalaga at respeto sa ating mga lolo at lola. Ang bawat benepisyo ay isang pasasalamat sa kanilang naging papel sa ating lipunan,” dagdag niya.
Muling pinagtibay ni Tiangco ang pangako ng gobyerno sa pagpapabuti ng buhay ng mga senior citizen.
“Patuloy tayong maghahanap ng paraan upang mapabuti ang kanilang buhay at matiyak na sila ay maalagaan sa kanilang katandaan,” pahayag niya.
Sa ilalim ng Republic Act No. 11982, ang mga nakatatanda na umabot sa edad 80, 85, 90, at 95 ay makakatanggap ng P10,000, bukod pa sa P100,000 na insentibo para sa mga centenarian. (Richard Mesa)
-
SPONSORSHIP AT DEBATE SA P4.5-T BUDGET MULING BINUKSAN
INIREKONSIDERA ng mababang kapulungan ng Kongreso ang second reading approval ng 2021 proposed P4.5 trillion national budget. Ito ay para muling maipag- patuloy ang sponsorship at debate pati na rin ang period of amendments na natigil nang magmosyon si dating Speaker Alan Peter Cayetano na aprubahan sa ikalawang pagbasa ang 2021 General Appropriations Bill […]
-
NBI, inaresto ang 2 kataong nagsasagawa nang ‘di otorisadong home service covid swab test
Agad isinalang sa electronic inquest proceedings sa City Prosecutor ng Quezon City ang dalawang kataong inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa hindi nila otorisadong pagsasagawa ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) swab testing sa Quezon City. Patong-patong na kaso ang isinampa sa mga suspek kabilang na ang apat na bilang ng […]
-
P11.6B na performance-based bonus para sa 900K school workers, inilabas – DBM
IPINALABAS na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P11 billion para sa budgetary requirement para sa performance-based bonus (PBB) ng mahigit sa 900,000 personnel sa iba’t ibang public elementary at secondary schools sa ilalim ng Department of Education (DepEd). Sinabi ng DBM na may kabuuang P11.6 billion ang ipinalabas para sa […]