NAVOTAS TUMANGGAP NG 28 BAGONG SCHOLARS
- Published on September 14, 2021
- by @peoplesbalita
MALUGOD na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang 28 na bagong beneficiaries ng NavotaAs Academic Scholarship para sa school year 2021-2022.
Sa 28, 15 ang pumasok na high school freshmen, 11 ang pumasok na college freshmen, at dalawang mga guro na naghahanap ng mas mataas na edukasyon.
“We wish to congratulate our new academic scholars as well as their parents. While the pandemic has brought about overwhelming challenges to our school sector, our scholars persevered and strived to excel in their studies. They truly deserve the educational aid they will be getting from our city government,” ani Mayor Toby Tiangco.
Ang mga iskolar ay sumailalim sa isang kwalipikadong pagsusulit noong Hulyo at isang interview noong Agosto.
Ang mga iskolar ng high school ay makakatanggap ng P18,000 bawat academic year para sa mga libro, transportasyon, at food allowance.
Ang scholars ng Navotas Polytechnic College ay makakatanggap P22,000 bawat academic year para sa tuition, libro, transportation, at food allowance habang ang scholars ng iba pang colleges o universities ay makakatanggap ng P262,000.
Samantala, ang teacher-scholars ay makakatanggap ng P75,000 bawat academic year para sa kanilang tuition, libro, transportation, food allowance, at research grant.
Mula nang mailunsad ito noong 2011, ang NavotaAs Academic Scholarship ay nagawang suportahan ang edukasyon ng 999 na mga iskolar.
Bukod sa academic scholarship, nag-aalok din ang pamalaang lungsod ng mga iskolarship sa mga mag-aaral na magagaling sa palakasan at sa sining.
-
Scrimmage ipu-push ng PBA sa May 16
Puntirya ng Philippine Basketball Association (PBA) na masimulan ang scrimmage ng mga teams sa Mayo 16 kung bibigyan ng go-signal ng Inter-Agency Task Force (IATF). Ito ang isa sa mga tatalakayin sa pakikipagpulong ng pamunuan ng liga sa local government unit sa Batangas na magsisilbing training venue ng ilang PBA teams. […]
-
Suportado ng mga artista tulad nina Eric at Gladys: VILMA, parami nang parami ang nag-eendorso na maging ’National Artist’
KAHIT may mga nagsusulong sa ama niyang namayapang si Dolphy ay suportado ni Eric Quizon ang nominasyon ng Star for All Seasons bilang National Artist. Kung si Ate Vi raw ang gagawaran ng National Artist ay karapat dapat daw ang multi awarded actress. “Ate Vi yan. Alam naman nating […]
-
Online flower shop nina BENJAMIN at CHELSEA, dagsa na ang orders dahil sa Valentine’s Day
SUNUD-SUNOD na raw ang flower orders ng online flower shop ni Benjamin Alves dahil malapit na ang Valentine’s Day. Happy ang bida ng teleserye na Owe My Love dahil naging sulit ang naging investment nila ng kanyang girlfriend na si Chelsea Robato sa kanilang House of Roses flower business. August 2020 nang […]