NBA, binabalak isagawa ang All-Star Game sa March 7 sa Atlanta
- Published on January 29, 2021
- by @peoplesbalita
Binabalak umano ng NBA at players association na isagawa pa rin ang All-Star Game.
Maari aniyang mangyari ito sa March 7 nitong taon.
Pinag-iisipan ng liga na gawin ito sa Atlanta.
Kung maaalala ang orihinal na schedule ay sa susunod na buwan na sana ang 2021 All-Star Game sa Indianapolis pero ipinagpaliban dala pa rin ng COVID pandemic.
Ang hakbang ng NBA ay sa kabila na meron ng 21 games ang nakansela mula ng magsimula ang season, isang buwan na ang nakakalipas bunsod ng isyu sa protocols.
Noong nakaraang linggo inanunsiyo ng NBA na umaabot sa 11 mga players ang panibagong nagpositibo sa COVID-19.
Bago ito meron ding 16 pang players ang nakumpirma ring tinamaan ng coronavirus infections.
-
LTFRB nagbukas ng 106 PUV routes para sa libreng sakay
NAGBUKAS ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 106 na public utility vehicles (PUVs) na ruta sa Metro Manila at Rizal para sa libreng sakay ng mga pasahero. Ang mga nasabing PUV na ruta na may libreng sakay ay ang nasa lugar ng Caloocan, Mandaluyong, Makati, Manila, Malabon, Marikina, Muntinlupa […]
-
Kai Sotto nagpakita ng maturity sa panalo ng Gilas laban sa Jordan
Tinanggap ni Kai Sotto ang desisyon ng kanyang coach na si Chot Reyes na i-sub out siya sa first half nang maluwag sa pagbawi niya sa kanyang sarili mula sa matamlay na simula sa pamamagitan ng malakas na pagpapakita sa third-quarter para pamunuan ang Gilas Pilipinas laban sa Jordan sa Fiba World Cup Asian Qualifiers […]
-
Imbes na magkaroon ng big birthday party: SOFIA, nagbakasyon sa Singapore bilang regalo sa kanyang sarili
SIMPLE lang ang naging celebration ng Sparkle teen star Sofia Pablo when she turned 17 last April 10. Nagkaroon ng isang stylish photoshoot si Sofia kunsaan all-white ang theme. Sa pinost niyang reel sa Instagram, nilagay ang hashtag na #SofiaAtSeventeen. Naglagay din siya ng mga captions tulad ng “kinda sweet, kinda […]