NBA MVP Nikola Jokic sinuspinde ng NBA; Morris at Butler ng Miami minultahan
- Published on November 12, 2021
- by @peoplesbalita
Sinuspinde ng NBA ng isang game ang Denver Nuggets star at reigning MVP na si Nikola Jokic dahil sa sinasadyang pagtulak sa Miami Heat forward na si Markieff Morris nitong nakalipas na Martes.
Dahil dito ang tinaguriang franchise center ay hindi makakalaro sa Huwebes kontra Indiana Pacers at wala ring sweldo sa isang araw.
Samantala si Morris naman ay pinatawan ng multa dahil sa flagrant foul kay Jokic na umaabot sa $50,000.
Ang Miami star naman na si Jimmy Butler ay hindi rin nakaligtas nang patawan naman ng $30,000 bunsod nang paghahamon kay Yokic upang ipagtanggol ang teammate na si Morris.
-
NCR Plus nasa GCQ pa rin simula Hulyo
Muling palalawigin ang General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila at ilang probinsyang katabi nito sa susunod na buwan habang patuloy na nananalasa ang coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas. Inanunsyo ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang mga rekomendasyon para sa panibagong quarantine classifications sa lingguhang Talk to the People […]
-
Para sa mahusay na pagganap sa ‘Cattleya Killer’: ARJO, tinanghal na Best Male Lead sa ‘ContentAsia Awards 2024′
KINILALA na naman ang husay sa pag-arte ng multi-awarded actor turned politician na si Congressman Arjo Atayde matapos na parangalan sa ContentAsia Awards 2024 na ginanap nitong Huwebes, September 5 sa Taipei, Taiwan. Si Arjo ang nanalo bilang Best Male Lead in a TV Programme/Series para sa kanyang pagganap bilang Anton dela Rosa sa […]
-
Ads January 23, 2025