NBI hahagilapin 2 nawawalang close contacts ng Pinoy na may ‘new COVID variant’
- Published on January 25, 2021
- by @peoplesbalita
Kukunin na ng Department of Health (DOH) ang tulong ng Department of Justice (DOH) sa pamamagitan ng National Bureau of Investigation (NBI) para matunton ang mga nalalabing nakasalamuha ng unang nahawaan ng United Kingdom variant ng coronavirus disease (COVID-19).
“We have coordinated with the [DOJ] and we will be providing these two names to the NBI… today,” paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Biyernes.
“Para lang mahanap natin at mas madali kasi silang makakahanap because of their database.”
Ilang araw pa lang ang nakalilipas nang kumalat ang isang memorandum ng Philippine National Police-Calabarzon na nag-uutos sa kanilang galugarin ang probinsya para sa mga nawawalang contacts, na noo’y apat pa.
Una nang sinabi ng DOH na ilan sa mga nakasalamuha ng 29-anyos na Pinoy mula United Arab Emirates (UAE) ang hindi pa rin sumasagot sa tawag ng mga otoridad kahit na hanggang 70% mas nakakahawa ang UK variant ng COVID-19.
Paglabag sa Republic Act 11332, o batas sa notifiable disease, ang hindi pakikipag-ugnayan sa gobyerno habang nasa gitna ng isang public health emergency ang Pilipinas.
Sa kabila nito, kinumpirma ni Vergeire na hindi pa naman nila iniisip magkaso ngunit ita-tap lamang ang NBI para mapabilis ang tracing sa dalawang indibidwal.
“So titignan natin, baka mahanap na natin through this kind of process,” wika pa ni Vergeire sa mga reporters.
Una nang lumabas sa mga balitang 159 lahat-lahat ang pasahero ng Emirates Flight EK 332 ang sinakyan ng 29-anyos na index case ng UK variant sa Pilipinas.
Labas diyan, umabot sa 213 ang naging “close contact” niya, kung saan 15 na ang nagpopositibo sa COVID-19. Kasama riyan ang nobya at nanay ng 29-anyos na index case.
Walo sa EK 332 co-passengers ang tinamaan ng virus, anim na close contacts ng index case, isang kabahay at isang healthcare worker.
Nagpapatupad pa rin ng tral restrictions sa mahigit 35 bansa ang Pilipinas dahil na rin sa banta ng UK, South African at iba pang mas nakahahawang COVID-19 variants. Epektibo ito hanggang ika-31 ng Enero, 2021.
Umabot na sa 507,717 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas ayon sa ulat ng gobyerno nitong Huwebes. Sa bilang na ‘yan, yumao na ang 10,116 pasyente.
-
DepEd hinihintay ang abiso ng DOH hinggil sa expansion ng in-person classes
Hinihintay pa sa ngayon ng Department of Education (DepEd) ang abiso mula sa Department of Health bago pa man nila ituloy ang pagpapalawak ng in-person classes sa bansa. Ayon kay Education Sec. Leonoro Briones, kakatanggap lamang nila ng abiso mula sa DOH na kung puwede ay hintayin muna matapos ang assessment period sa […]
-
Kawani ng PSC na dawit sa daya-sahod kinasuhan
NABUKING ng Department of Justice (DoJ) ang mga dahilan para sa reklamo na isinampa ng Philippine Sports Commission (PSC) at National Bureau of Investigation (NBI) laban sa dating kawani na sangkot sa payroll padding scheme sa nakalipas na taon. Sa may 23-pahinang resolusyon na nilagdaan nitong isang araw nina Assistant State Prosecutor Moises Acayan, […]
-
Eerie Revelation: ‘The First Omen’ Trailer and Poster Unveiled!
GET a glimpse of 20th Century Studios’ ‘The First Omen’, a prequel to the iconic horror series. Set for an exclusive April 2024 cinema release, this psychological horror promises to chill and thrill. Starring Nell Tiger Free and more, directed by Arkasha Stevenson. April 2024 will mark the return of a horror legend to the […]