NBI, inatasan ni PDu30 na magsagawa ng masusing imbestigasyon hinggil sa nangyaring shootout sa QC
- Published on March 1, 2021
- by @peoplesbalita
INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ng masusing imbestigasyon kaugnay sa nangyaring shootout sa Commonwealth Avenue, Quezon City.
Ipinag-utos din ng Pangulo sa binuong joint panel ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na itigil na ang isinasagawa ng mga itong imbestigasyon.
“This is to ensure impartiality on the Quezon City shootout incident,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.
Sa ulat, dalawang pulis at dalawang PDEA agent ang nasawi sa barilan na naganap sa labas ng Ever Commonwealth Avenue sa Quezon City. Ang sinasabing nakasagupa ng mga pulis, mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Sinabing nagsagawa ng anti-illegal drug operation ang mga pulis na miyembro ng QCPD-District Special Operations Unit (DSOU) sa labas ng isang fast food sa lugar.
Hindi pa malinaw kung papaano nasangkot sa engkuwentro ang mga tauhan ng PDEA pero kabilang sa mga nasugatan at dinala sa ospital ang team leader ng DSOU.
Una rito, pansamantalang natigil ang daloy ng trapiko sa naturang bahagi ng Commonwealth Avenue, Quezon City nitong Miyerkules ng gabi dahil sa nangyaring barilan.
Naglabas naman ng pahayag ang pamunuan ng Ever Commonwealth at kinumpirma nila ang barilan na naganap umano sa labas ng mall.
“We have secured all access to the mall so all shoppers are safe inside. Our priority right now is to ensure the safety of the employees and the public,” ayon sa pahayag.
“The management is closely coordinating with the PNP of the current situation. Please bear with us as we allow the authorities to handle the situation. For now, we hope for everyone’s cooperation to exercise caution in sharing unconfirmed information online. Thank you,” patuloy nito. (Daris Jose)
-
Dagdag pension sa senior citizens, isinusulong ni Cong. Lacson
Isinusulong ni Malabon City Congresswoman Jaye Lacson-Noel ang isang panukalang batas na magbibigay daan ng karagdagang pension para sa mga nakakatandang mamamayan ng bansa. Tiwala si Cong. Lacson na susuportahan ng kanyang mga kasamahan sa House of Representatives ang kanyang panukalang batas para sa mga senior citizens. Aniya, kung maipasa sa […]
-
Naturukan na ng 2nd dose ng Sinopharm: Pangulong Duterte, fully vaccinated na-Sec. Roque
KINUMPIRMA ni Presidential spokesperson Harry Roque na natanggap na ngayon gabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang second dose ng Sinopharm. Nangyari aniya ito bago pa ang nakatakdang pulong ng Pangulo kasama ang ilang miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF). Si Health Secretary Francisco Duque III ang nagbakuna kay Pangulong Duterte. […]
-
Sotto at 36ers wagi sa Phoenix
NAKABALIK sa porma ang Adelaide 36ers matapos pataubin ang Southeast Melbourne Phoenix, 100-92, kahapon sa 2022 National Basketball League (NBL) season sa Adelaide Entertainment Center sa Adelaide, Australia. Nakapagtala lamang ang 7-foot-3 Pinoy cager na si Kai Sotto ng 4 points at 5 rebounds para sa 36ers. Hataw si Daniel Johnson […]