NBI PASOK SA IMBESTIGASYON SA ABOGADO SA COTABATO
- Published on September 22, 2021
- by @peoplesbalita
MAGSASAGAWA na rin ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa pagpatay sa isang abodago sa South Cotabato na si Juan Macababbad.
Ito ay matapos ipag-utos ni Justice Secretary Menardo Guevarra nitong Lunes sa pamamagitan ng Department Order No. 222 kay NBI Officer-In-Charge Eric Distor na magsagawa ng imbestigasyon at case buid-up sa pagkamatay ni Macababbad’s.
Ang 68 anyos na abogado ay binaril sa harap ng kanyang bahay sa Barangay Poblacion, Surallah, South Cotabato noong September 15.
Iniulat na nakakatanggap na ito ng mga death threats bago pa man nangyari ang pamamaril.
Ang mga hinawakang mga kaso ng human rights lawyer ay kadalasan sa mga mangsasaka, mangingisda, i for al settlers at biktima ng umano’y extra-judicial killings.
Magkakaroon naman ng public viewing sa kanyang labi hanggang September 23 sa kanyang bahay habang ang kanyanv libing ay gagawin sa Koronadal Valley Eternal Garden kinabukasan.
“We request that families, friends, and colleagues who will attend the wake should strictly observe health guidelines and protocols. Let us be vigilant in keeping everyone’s health and safety a priority. We also ask that those who have health vulnerabilities to just stay at home. Your thoughts and prayers are very much appreciated,” bahagi ng post sa Facebook ng kanyang pamilya nitong Linggo.
Hiling din ng kapatiran ng abogado mula sa Ateneo Law School-based Fraternal Order of Utopia ang masusing imbestiagsyon sa krimen.
“These attacks must end,” the group said while calling on authorities for a “fair, full, and speedy investigation”, pahayag naman ng Integrated Bar of the Philippines – South Cotabato at General Santos City sa pagpatay kay Macababbad na itinuring na isang matapang na tagapagtaguyod ng hustisya at mga karapatang sibil. GENE ADSUARA
-
Flattered na tawagin na bagong ‘Horror Queen’ BEAUTY, willing na i-donate ang sinuot na antique necklace sa National Museum
MINSAN nang naintriga si Beauty Gonzalez dahil sa sinuot niyang antique necklace. Pero sa mediacon ng ‘Kampon,’ sinabi ni Beauty na willing siya na i-donate sa National Museum ang mga gold jewelry na isinuot niya sa GMA Gala 2023 na naging kontrobersyal. Sa Metro Manila Film Festival 2023 official entry ang ‘Kampon’ kung saan ay […]
-
Nakipagsabayan sa Japanese actress na si Arisa Nakano: GABBY, tumagos ang role sa ‘Kono Basho’ dahil na-experience niya
SANIB-PUWERSA ang Project 8 Projects at Mentorque Productions para sa Cinemalaya Independent Film Festival na ‘Kono Basho’ na kinunan sa Japan. Ang Project 8 Projects ang naghatid ng Cinemalaya Audience Choice Award Rookie (2023) and Gawad Urian Best Film winner, na ‘Iti Mapukpukaw’ (2023). Sila rin ang nag-produce ng […]
-
TBA Studios Brings Singaporean-South Korean Film “Ajoomma” To PH Cinemas
TBA Studios is bringing the lighthearted family drama Ajoomma to the Philippines and opens in cinemas on March 15. Singaporean filmmaker He Shuming’s feature debut film, Ajoomma, tells the story of a middle-aged, Korean-drama-obsessed widow from Singapore who travels out of the country for the first time to Seoul, and ends up getting […]