• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NBI, posibleng pumasok na rin sa imbestigasyon sa umano’y ‘tongpats system’ sa DA – DoJ

Nakahanda raw ang Department of Justice (DoJ) na imbestigahan ang kontrobersiya sa “tongpats sytem” sa Department of Agriculture (DA).

 

 

Sinabi ni Justice Sec. Menardo Guevarra, sa ngayon ay kinakailangan lamang na makakuha sila ng mga impormasyon hinggil sa sinasabing tongpats o suhulan sa DA partikular sa meat importation.

 

 

Tinitiyak ng kalihim na sa sandaling makita niyang may sapat na basehan para sa malalimang imbestigasyon ay agad niya itong ire-refer sa National Bureau of Investigation (NBI) at sa Task Force Against Corruption.

 

 

Ang naturang alegasyon ng tongpats sa imported pork ay pinaiimbestigahan na ni DA Sec. William Dar.

 

 

Pero sa ayon sa Pork Producers Federation of the Philippines, mas makabubuti kung ang DOJ o ang NBI ay manghimasok at magsiyasat sa sinasabing problema sa DA.

 

 

Umaasa rin ang mga magbababoy na matutulungan sila ni Sec. Guevarra hinggil sa kanilang problema sa DA na imbes na pumapanig sa kanila ay nagpapahirap pa raw sa mga magsasaka na apektado na nga ng smuggling, African Swine Fever at sobra-sobrang importasyon. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Big One’ dapat ikunsidera sa reclamation projects sa Manila Bay —DENR

    DAPAT na ikunsidera ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagsulpot ng posibleng major  earthquake na tinawag bilang “Big One” pagdating sa reclamation projects sa Manila Bay.     Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DENR Secretary Antonia Yulo Loyzaga  na ang reclamation projects ay kailangan sa pagpapabuti sa ekonomiya, iyon nga […]

  • Excited nang maipalabas ang nakaka-inspire na serye: ASHLEY, hinangaan si XIAN sa effort at dedikasyon para matutong mag-ice skate

    PAREHONG excited na sina Ashley Ortega at Xian Lim na mapanood ng lahat ang unang seryeng pagtatambalan nila, ang Hearts On Ice. Sumabak sila sa matinding training sa ice rink sina Ashley at Xian bilang paghahanda sa kanilang mga karakter sa kauna-unahang ice-skating drama series ng bansa. Kahit dati ng isang competitive figure skater, nag-training ang aktres […]

  • Pinay karateka Jamie Lim, naghahanda na sa Olympic qualifier

    Patuloy ang ginagawang paghahanda ni Filipina karateka Jamie Lim para sa Olympic qualification tournament.   Isa kasi si Lim sa nanguna noong nakaraang Southeast Asian Games na nanguna sa womens +61 kg. kumite para makuha ang gold medals.   Nakatakda sana lumahaok sana si Lim at ibang mga Filipino karatekas sa world Olympic qualifying tournament […]