• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NCR at Laguna ilalagay sa MECQ simula Agosto 21-31

Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang paglalagay sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang National Capital Region at Laguna simula Agosto 21 hanggang Agosto 31 habang ang Bataan ay nasa MECQ din mula Agosto 23-31.

 

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi pa rin pinapayagan ang mga indoor at al-fresco dine-in services ganun din ang mga personal care services kabilang ang beauty salons, beauty parlors, barbershops at nail spas sa NCR at Bataan.

 

 

Lahat ng mga religious gatherings ay mananatiling virtual sa NCR, Bataan at Laguna.

 

 

Pinayuhan din ng IATF ang mga nabanggit na local government unit na paigtingin ang kanilang vaccination rates, Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) strategies at patuloy ang pagpatupad ng minimum public health standards. (Daris Jose)

Other News
  • Alam na mahuhusgahan sa ‘coming out’ ng anak… SHARON, suportado si MIEL at walang magiging pagbabago sa pagtrato nila

    PASABOG at ito ang naging trending news simula nang mag-out ang bunsong anak na babae ni Megastar Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan na si Miel Pangilinan.       Tila hindi nito gusto ang terminong lesbian at pinagdiinan na siya ay proud member ng LGBTQIA+ community at ngayong Pride Month ang unang taon na […]

  • P6K fuel subsidy sa jeepney at tricycle operators

    TARGET  ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB)  na makapagbigay ng P6,000 fuel subsidy sa mga operator ng pampasaherong jeep at tricycle sa susunod na buwan ng Agosto.     Sa QC forum, sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz na plano nilang ibigay ang naturang subsidy upang makatulong sa naturang mga operators sa tumaas na […]

  • DBM, itinanggi na naantala ang benepisyo ng mga medical workers

    PINABULAANAN ng Department of Budget and Management (DBM) na naantala ang pagpapalabas ng benepisyo at allowances para sa mga healthcare at non-healthcare workers.     Sa katunayan,  nagpalabas ang DBM ng kabuuang P19.96 billion para pondohan ang public health emergency benefits at allowances para sa mga  healthcare at non-healthcare workers.     Ayon sa DBM, […]