NCR ayuda distribution, pumalo na sa 70.29% – Año
- Published on August 24, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na naipamahagi na ang P7.9 bilyong piso mula sa P11.25 bilyong pisong ayuda para sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) recipients sa National Capital Region (NCR).
Ani Año, ang naipamahaging ayuda ay may katumbas na 70.29% ng ayuda allocation sa low-income individuals sa Kalakhang Maynila.
Ang Kalakhang Maynila ay inilagay sa ilalm ng ECQ, itinuturing na “strictest health protocol”, mula Agosto 6 hanggang 20 para mapabagal ang paghawa ng coronavirus disease-2019 (COVID-19) Delta variant na sinasabing mapanganib na kumalat sa buong bansa sa mga nakalipas na linggo.
Dahil sa economic concerns, ang Kalakhang Maynila ay kalaunang inilagay sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula Agosto 21 hanggang 31 gaya ng Laguna habang ang Bataan naman ay nasa ilalim din ng kahalintulad na restriksyon mula Agosto 23 hanggang 31.
Sa kabilang dako, sinabi pa ng Kalihim na hanggang ngayon ay wala pa ring update ukol sa ayuda distribution sa Bataan at Laguna na isinailalim din sa ECQ noong nakalipas na 2 linggo.
Ang bawat low-income individual sa ECQ hit areas ng NCR, Bataan at Laguna ay binigyan ng P1,000 cash aid habang maximum financial assistance naman na P4,000 sa bawat pamilya.
Ngayon naman at nasa ilalim na ng MECQ ang NCR, Bataan at Laguna ay marami pa ring mahihirap na pamilyang filipino ang nananawagan sa pamahalaan na magbigay ng karagdagang ayuda lalo pa’t hndi naman lahat ng negosyo ay nagbugs.
Tikom naman ang bibig ni Año kung ibibigay pa rin ang ayuda sa mga qualified recipients sa MECQ areas lalo pa’t operational na ang ilang negosyo. (Daris Jose)
-
Dumating naman ang panahon na nakapagpatawad: DINA, ‘di itinago na nagalit kay CONEY nang makarelasyon ni VIC
SIX years old na ngayon si Malia, ang anak ng komedyana si Pokwang at ni Brian O Lee. Sey pa ni Pokwang na hindi pa raw niya naipaliliwanag sa bunsong anak kung ano ang mga pinagdaanan nila ng Samang si Lee. “Wala muna, pinalaki kong matatalino ‘yung mga anak ko, alam nila iyan. […]
-
DOH ayaw pa irekomenda Metro Manila-wide lockdown ‘sa ngayon’
Hindi pa maimumungkahi ng Department of Health ang pagpapatupad ng mahihigpit na lockdown sa Kamaynilaan sa ngayon, pero hindi nila isasantabi ang posibilidad kung magpapatuloy pa rin sa paglala ang pagkalat ng coronavirus disease sa gitna ng mga localized restrictions. ‘Yan ang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III sa panayam ng ANC, Miyerkules, ngayong 23,518 […]
-
Bilang parangal kay Ka Blas, Bulacan, nagsagawa ng job fair at libreng medical mission para sa mga Bulakenyo
LUNGSOD NG MALOLOS – Bilang bahagi ng pagpupugay sa Ika-96 Anibersaryo ng Kapanganakan ni Gat Blas F. Ople, nagsagawa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office ng Job Fair (Local and Overseas Employment) at Department of Migrant Workers-PGB Medical Mission sa pakikipagtulungan ng Damayan Sa Barangay […]