NCR, hindi pa handa na isailalim sa “normal” GCQ- Sec. Roque
- Published on June 15, 2021
- by @peoplesbalita
HINDI pa ito ang tamang panahon o maituturing na “bubot” pa para isailalim sa “least restrictive” Modified General Community quarantine (MGCQ) status ang NCR Plus matapos ang Hunyo 15 sa gitna ng COVID-19 pandemic
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na malabo pang isailalim sa “ordinary” GCQ ang NCR Plus o ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal simula sa Hunyo 16.
Ang NCR Plus ay kasalukuyan ngayong nasa ilalim ng GCQ “with restrictions” hanggang Hunyo 15.
“Ang problema po natin mataas pa rin ‘yung actual numbers, hindi pa tayo nakakabalik sa mga numero natin bago pumasok ang new variants,” ayon kay Sec. Roque.
Bago pa nalaman ang bagong coronavirus variants sa bansa, ang Metro Manila, ayon kay Sec. Roque, ay nakapagtala ng 1,000 bagong COVID-19 cases araw-araw. Magkagayon pa man, hindi isinailalim sa MGCQ ang Metro Manila.
Nito lamang araw ng Linggo, Hunyo 13, nakapagtala ang Department of Health ng 7,302 bagong COVID-19 infections, dahilan para umabot sa kabuuang tally na 1,315,639.
“So ang nakikita ko po ay ordinaryong GCQ pero sa tingin ko po mukhang malabo pa ‘yung MGCQ,” anito.
Samantala, nakatakdang magkita at magpulong ngayong araw ng Lunes ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), para pag-usapan ang susunod na quarantine classifications hindi lamang sa NCR Plus kundi maging sa ibang lugar.
Ang rekomendasyon ay isusumite kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte para aprubahan.
Sa kabilang dako, si Sec. Roque ay tagapagsalita rin ng IATF.
Ang mga Metro Manila mayors sa kabilang banda ay sang-ayon naman sa posibilidad na isailalim ang rehiyon sa “normal” GCQ simula Hunyo 16.
Para naman kay Dr. Guido David ng OCTA Research na hindi pa handa ang NCR Plus para sa MGCQ, subalit ang anumang hakbagn na gagawin para paluwagin ang restriksyon ay marapat na gawin ng dahan-dahan.
“Maaari tayong magluwag, pero tulad ng ginagawa na natin dati dapat ay dahan-dahan. Expand tayo ng capacity, dagdag ng businesses,” anito.
Aniya, hindi pa nila namo-monitor ang transmission ng COVID-19 sa mga negosyo.
“Okay lang magluwag tayo ng restrictions sa businesses kasi may rstrictions naman sila na pinapatupad,” aniya pa rin.
(Daris Jose)
-
Payo na maging patas, mapagpasalamat at tumulong… POKWANG, palaban na ina at lahat sasanggain para sa mga anak
DAHIL siya ay isang homemaker and loving mother kaya naman si Marietta Subong a.k.a. Pokwang ang napili ng owners ng Klio home products para maging endorser. Naganap ang contract signing at launching ni Pokie sa Max’s Restaurant Scout Tuazon branch last week. In a separate interview, tinanong naming si Ms. Pokie […]
-
For the first time in decades: TITO, VIC at JOEY, muling nagsama-sama para sa isang endorsement
FOR the first time in decades, muling magsasama-sama ang TVJ sa isang endorsement. Puregold made it happen! Makikita sa larawan kasama ni Aling Puring, ang brand icon ng Puregold, ang grupo nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon, na pumirma ng kontrata bilang pagpapatuloy sa kolaborasyon kasama ang kompanya. […]
-
Dahil pasong-paso sa public relationship… BEA, non-showbiz guy na ang gustong naka-date
HINDI pa rin nawawalan ng pag-asa si Bea Alonzo sa pag-ibig kahit nauuwi sa hiwalayan ang kaniyang nagdaang mga relasyon. Sa nakaraang episode ng programa ni Boy Abunda na “My Mother, My Story,” inihayag ni Bea na “I never lost hope in love.” “I’ve always been a hopeless romantic, […]