• July 8, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NCR magiging matatag vs Delta variant

Magiging ‘Delta resilient’ ang National Capital Region (NCR) sa mga susunod na buwan base sa antas ng CO­VID-19 vaccination sa rehiyon, ayon sa pagtaya ng OCTA Research Group.

 

 

Sinabi ni OCTA fellow Fr. Nicanor Austriaco, isang molecular biologist, na nabakunahan na ng iba’t ibang lokal na pamahalaan ang 20 hanggang 70 porsyento ng kanilang populasyon.

 

 

Dahil dito, inaasahan na magiging ‘fully vaccinated’ na ang populasyon ng Metro Manila sa susunod na isang buwan at kalahati mula ngayon.

 

 

Ito ay sa kabila ng suspensyon ngayon ng ilang mga lokal na pamahalaan sa kanilang ‘vaccination program’ dahil sa kawalan na ng suplay ng bakuna mula sa nasyunal na pamahalaan.

 

 

“In terms of the vaccines… I’ve been impressed that given the severe global shortage, the Philippine government is doing as best as it can given that limitation to roll out to protect the Filipino people,” ayon kay Austriaco. (Daris Jose)