• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NCR nasa COVID-19 Alert Level 4 na

Isinailalim sa CO­VID-19 Alert Level 4 ang buong National Capital Region (NCR), maliban na lamang sa lungsod ng Maynila, dahil sa patuloy na pagtaas ng mga naitatalang bagong kaso ng sakit at hospitalisasyon sa rehiyon.

 

 

“All areas except the City of Manila are classified as Alert Level 4. The Delta variant of concern had been detected across all areas in the National Capital Region,” pagkumpirma kahapon ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

 

 

Ayon kay Vergeire, ang NCR ay nakapagtala rin ng positive 2-week growth rate, high-risk ave­rage daily attack rate (ADAR) at high-risk case classification.

 

 

“The regional health systems capacity is at high-risk with ICU utilization at 74 percent,” dagdag pa niya.

 

 

Ang Quezon City ay nakapagtala ng aktibong kaso na 7,800 kasunod ang Maynila, 5,005; Caloocan City, 3,826; Pasig City, 3,561 at Makati City, 3,529.

 

 

Sa Maynila, bagama’t mataas din ang naita­lang mga bagong kaso, ay itinaas lamang ito sa Alert Level 3, dahil ang bed utilization rate nito ay nasa 65.47% lamang at ang ICU utilization rate ay nasa 61.75%.

 

 

Ayon sa DOH, ang Alert Level 4 ay itinataas sa isang lugar kung uma­bot na sa 70% pataas ang hospital bed capa­city at nasa ilalim ng mo­derate hanggang critical risk. Ang Alert Level 3 ay nasa moderate hanggang critical risk at hindi pa umaabot sa mahigit 70% ang ICU utilization rate.

Other News
  • Higit P357 milyong pinsala ng El Niño sa agrikultura – DA

    UMABOT na sa higit P357.4 million ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura sa iba’t ibang rehiyon sa bansa dulot ng El Niño phenomenon.     Ito naman ang nabatid mula kay Agriculture Assistant Secretary at Spokesperson Arnel De Mesa kung saan pinakamalaking danyos ito na naitala sa Western Visayas partikular sa Iloilo na […]

  • Student Loan Moratorium Bill, itinulak ni Bong Go

    Habang naghihikahos ang Pilipinas sa pananalasa ng anim na malalakas na bagyo sa loob lamang ng isang buwan, nanawagan si Senator Christopher “Bong” Go pagaanin ang pasanin ng mga ­estudyante at kanilang pamilya sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad.     Dahil dito, kabilang si Go sa nag-akda at nag-sponsor ng Senate Bill No. […]

  • Pagkagutom, pinakamataas simula noong 2020

    MAS maraming pamilyang Filipino ang nakaranas ng involuntary hunger nito lamang second quarter ng 2024 kumpara sa nakalipas na quarter.         Ito ang lumabas sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS), ipinalabas araw ng Martes, Hulyo 23, natuklasan ng SWS na may 17.6% ng pamilyang Filipino ang nakaranas ng involuntary […]