NCR Plus, isinailalim sa GCQ with heightened restrictions simula Mayo 15
- Published on May 15, 2021
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Huwebes, Mayo 13, 2021 ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ilagay ang National Capital Region (NCR), Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) na may heightened restrictions mula Mayo 15 hanggang 31, 2021.
Isinailalim din sa GCQ status mula Mayo 15 hanggang 31, 2021, ang mga lugar sa ilalim ng Cordillera Administrative Region, gaya ng Apayao, Baguio City, Benguet, Kalinga, Mountain Province at Abra; Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya sa Region 2; Batangas at Quezon sa Region 4-A; Puerto Princesa sa Region 4-B; Iligan City sa Region 10; Davao City sa Region 11; at Lanao del Sur sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ang City of Santiago at Quirino Province sa Region 2; Ifugao sa Cordillera Administrative Region; at Zamboanga City sa Region 9 ay isinailalim naman sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula Mayo 15 hanggang 31, 2021.
Ang iba pang lugar ay isinailalim naman sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) hanggang sa katapusan ng buwan.
Sa kabilang dako, ukol naman sa heightened restrictions sa NCR Plus, tanging ang essential travel na papasok at lalabas ng NCR Plus ang papayagan.
Mananatili namang operational ang public transportation.
“At such capacities and protocols in accordance with the Department of Transportation guidelines while the use of active transportation shall be promoted,” ang utos ng IATF.
Bukod dito, ang lahat ng indoor dine-in services sa NCR Plus ay kailangan na hanggang 20% venue o seating capacity habang ang outdoor o al fresco dining ay hanggang 50% venue o seating capacity.
Ang Outdoor tourist attractions sa NCR Plus, sa kabilang dako ay maaaring buksan ng hanggang 30% lamang na may mahigpit na pagsunod sa minimum public health standards.
Pinapayagan din sa NCR Plus ang specialized markets ng Department of Tourism (DOT) kasunod ng minimum public health standards at implementasyon ng protocols at restrictions na itinakda ng DOT.
Ang religious gatherings at gatherings para sa necrological services, lamay, inurnment at libing para sa mga namatay na ang dahilan maliban sa COVID-19 sa NCR Plus ay papayagan ng hanggang 10% ang venue capacity.
Gayundin, patuloy na pinapayagan naman sa GCQ areas na may heightened restrictions ang non-contact sports sa outdoor contact sports, games, scrimmages; at personal care services na pinapayagan para sa serbisyo na hindi nire-require ang mask removal, gaya ng salons, parlors, beauty clinics, na may hanggang 30% capacity.
Ang mga indibidwal na may edad na 18-65 ay maaari nang lumabas ng kanilang bahay sa GCQ areas na may heightened restrictions.
Samantala, ang mga entertainment venues, gaya ng bars, concert halls, theaters, at iba pa; recreational venues, gaya ng internet cafes, billiards halls, arcades, at iba pa; amusement parks, fairs, playgrounds, kiddie rides; indoor sports courts at venues at indoor tourist attractions; venues para sa meetings, conferences, exhibitions ay hindi naman papayagan sa ilalim ng “GCQ areas with heightened restrictions.”
Ang Interzonal travel mula NCR Plus areas, maliban sa nagsasagawa ng Authorized Persons Outside Residence (APORs), ay mananatiling ipinagbabawal sa GCQ areas na may hightened restrictions. (Daris Jose)
-
Ads March 25, 2022
-
Tuloy na tuloy na ang serye nila ni Alden: BEA, inaming na-pitch sa kanya ang ‘Start Up’ na naging rason para maging Kapuso
TULOY na tuloy na ang pagtatambal ng Kapuso actress na si Bea Alonzo at ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa local adaptation ng 2020 South Korean series na Start-Up. Hindi nag-announce ang Kapuso Network na tuloy ang romantic-drama series, hanggang hindi nila naayos ang contract nila in partnership with Korea’s CJEMM. According to Senior Vice President […]
-
6 milyong metric tons ng basura nahakot sa cleanup drive ng SMC
UMAABOT sa 6 milyong metriko tonelada ng basura ang nahakot ng San Miguel Corporation (SMC) sa isinagawang clean up drive sa mga ilog sa Metro Manila. Kabilang sa nakuhang mga basura ang nasa 3 milyon tonelada sa flood prone area sa lalawigan ng Bulacan at mag-uugnay sa bayan ng Meycauayan, Obando, Bulakan, Bocaue, […]