• May 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NCR Plus, posibleng bumaba sa GCQ with relaxed restrictions matapos ang Hunyo 15

MALAKI ang posibilidad na bumaba sa General Community Quarantine (GCQ) with relaxed restrictions ang NCR Plus matapos ang Hunyo 15.

 

Ang basehan ani Presidential Spokesperson Harry Roque ay ang bumubuting situwasyon ng COVID-19 sa lugar kabilang na ang “low” hospital care utilization rate.

 

“For Metro Manila, the numbers are looking good. The hospital care utilization remains very low, we’re at 53 percent in ICU beds which is isa sa mga importanteng factor for escalation,” ayon kay Sec. Roque.

 

“So I would say in fact that based on the figures, Metro Manila Plus might be looking at a deescalation. It might not be to MGCQ [modified GCQ] but it could be ordinary GCQ because ang GCQ natin ngayon ay meron pang mga restrictions,” dagdag na pahayag nito.

 

Ang NCR na kinabibilangan ng Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite, at Laguna ay nananatili sa ilalim ng  GCQ with restrictions hanggang June 15.

 

Bago pa ito, ang NCR Plus ay sumailalim sa GCQ “with heightened restrictions” mula May 15 hanggang May 31 kung saan ang galaw ay limitado sa essential travel habang ang indoor dining services ay bumaba sa 20 percent capacity.

 

Ang mga establisimyento na mayroong leisure-like venues para sa mga meetings ay nauna nang pinagbawalang magbukas.

Other News
  • Pinoy Olympian EJ Obiena nasungkit ang SEA Games record sa pole vault at nakamit ang gold medal

    BINASAG ngayon ng Pinoy Olympian na si EJ Obiena ang SEA Games record sa pole vault matapos masungkit niya ang gold medal at matagumpay na madepensahan ang kanyang korona.     Si Obiena na ranked 5th sa buong mundo sa pole vault ay nagtala ng SEA Games record makaraang malampasan niya ang 5.46m sa nagpapatuloy […]

  • PAUL, aminadong mas nakaka-stress ang may lovelife

    PINAGDIINAN ni Paul Salas na wala siyang lovelife.   Huling na-link si Paul ay kay Taki Saito. Ang ex-girlfriend naman niyang si Barbie Imperial ay umaariba ulit sa lovelife dahil kay Diego Loyzaga.   Sey pa ng Kapuso hunk na mas nakaka-stress daw ang magkaroon ng lovelife kesa sa trabaho.   “Wala pong lovelife. Ang […]

  • US Tennis Open, bubuksan

    Naghahanda na ang organizer ng US Tennis Open sa muling pagbubukas ng torneo at sinabing payag silang gawin ito kahit walang audience bilang pagtupad sa mahigpit na health protocols ng gobyerno.   Ayon kay US Tennis Association (USTA) spokesman Chis Wilderman target nilang buksan ang torneo sa  Agosto sa New York.   Agad umano nilang […]