• September 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NDRRMC nakaalerto na kay Betty

HANDA  na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para sa kanilang emergency preparedness and response (EPR) protocols at preparation para sa pananalasa ng bagyong Betty.

 

 

Ayon kay Civil Defense Administrator and NDRRMC Executive Director Ariel Nepomuceno, nakikipag-ugnayan na sila sa iba’t ibang ahensiya para masiguro na nakahanda na ang lahat mula sa national hanggang local level.

 

 

“We have already identified and activated appro­priate emergency preparedness and response protocols in different regions to be affected by the weather disturbance,” pahayag pa ni Nepomuceno.

 

 

Ang EPR protocols ay mga hakbang na dapat gawin ng mga concerned government agencies at local government units bago manalasa ang bagyo at habang ginagawa ang response operations.

 

 

Sinabi pa ng NDRRMC na sa kabuuan may 1,679 teams mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at Philippine Coast Guard (PCG) ang naka-standby para sa posibleng search, rescue, at retrieval operations.

 

 

Sa pinakahuling ulat ng PAGASA may 12 na lugar sa bansa ang isinailalim sa Signal No.1 habang papalapit ang bagyong Betty sa mga lalawigan sa Luzon.

Other News
  • Sec. Ano extended pa ng isang buwan ang leave of absence – DILG

    Hiniling ni ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na i-extend pa ng isang buwan ang kaniyang leave of absence.     Ayon kay DILG OIC Usec Bernardo Florece magpapatuloy ang bakasyon ni Año hanggang March 31.     Sinabi ni Florece na nasa maayos nang kalagayan ang kalihim at nakalabas na ng ospital […]

  • 27K pasahero dumadagsa kada araw

    UMAABOT sa 27,000 pasahero ang lumalapag sa bansa kada araw na karamihan ay mga balikbayan na nais makasama ang kanilang pamilya sa selebrasyon ng darating na Pasko, ayon sa Bureau of Immigration (BI).     Sinabi ni Carlos Capulong, acting chief ng BI-Port Operations Division, nasa pagitan ng 25,000 hanggang 27,000 ang kanilang naitatala na […]

  • Game fixing malala sa dalawang liga sa bansa

    SINIWALAT kamakailan ng dating player ng Philippine Basketball Association o PBA na si Gerald ‘Gerry’ Esplana, na malala ang game fixing sa dalawang liga sa bansa.   Ito aniya ay sa Maharlika Pilipinas Basketball League o MPBL at sa National Collegiate Athletic Association o NCAA.   Naging coach ng Valenzuela City sa MPBL at sa […]