Negatibong balita laban sa Sinovac, produkto raw ng pamumulitika ng oposisyon
- Published on January 18, 2021
- by @peoplesbalita
PARA sa Malakanyang, produkto lamang ng paninira ng oposisyon ang lumalabas na mga impormasyong pinakamahal ang Sinovac sa anim na brand ng COVID-19 vaccine.
Ito ang tinuran ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa harap ng sinisimulan ng pag-order ng bansa ng bakuna pangontra sa COVID-19 na kung saan ay inaasahang unang darating ang China made na Sinovac.
Aniya, nasa gitna o mid-range lang ang presyo ng Sinovac na iba sa nais palabasin ng oposisyon na bukod sa mataas ang presyo ay mababa rin ang efficacy rate.
Giit ni Sec. Roque na walang katuturan ang nginangawa ng mga kritiko gayung napatunayan na rin sa ibang bansa gaya ng Turkey matapos ang clinical trial doon na nasa 91.25 ang efficacy rate ng Sinovac gayundin sa Indonesia.
Sinabi pa ni Sec. Roque na mismong si Indonesian President Joko Widodo ay nagpaturok ng bakuna ng Sinovac gayundin ang Health Minister ng Turkey.
Mayroon kasing mga kumakalat sa social media na naghahambing ng presyo ng mga bakuna at mayroon din pong balita mula sa Jakarta na nabili ng Indonesia iyong Sinovac worth 200,000 Rupiah or 683 pesos per dose.
“I can say, sa lahat po ng oorderin natin, hindi po pinakamahal ang Sinovac. Alam ninyo kasi ang Tsina, hindi po iyan kapitalistang bansa, komunista iyan. So their prices are not driven by market forces, pupuwede silang unilaterally mag-fix ng price, at I can assure you, nabigyan po tayo ng presyo na ukol lamang sa kanilang BFF. Hindi po pinakamahal ang Sinovac, paninira lang po ng oposisyon iyan. In fact, hindi rin po siyang pangalawang pinakamahal na bakuna na aangkatin natin. Kung hindi po ako nagkakamali, pangatlong pinakamahal lang po siya out of six brands – so, it is in the mid-range. So, wala pong katuturan iyang mga nginangawa ng mga kritiko na nakapamahal daw ng Sinovac,” lahad ni Sec. Roque. (Daris Jose)
-
BBM, nangako ng maayos na internet connections sa mga malalayong lugar
IPAGPAPATULOY ng gobyernong Marcos ang paglalagay ng internet connections sa mga malalayong lugar. Ito ang pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga mamamayang Filipino na ang access sa web ay itinuturing nitong ” post-pandemic must-have.” Ang pahayag na ito ng Chief Executive ay matapos na makiisa siya sa […]
-
Ravena balik na assistant coach sa Tropang Giga
IBINALIK sa kanyang dating posisyon sa Talk ‘N Text si Ferdinand Ravena, Jr. bilang isa sa mga assistant coach sa parating na 46th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup sa Abril 9 Ito’y makaraang iupong muli ng Tropang Giga management si Vincent Reyes bilang coach ng flagship team ng MVP Group. […]
-
Memorable ang eksena nila kasama sina Gina at Jaclyn: ALFRED, naramdaman at nakita kay NORA ang kanyang ina
INAMIN ng magaling na aktor at konsehal ng Kyusi na si Alfred Vargas na sobrang saya niya na nagkaroon ng opportunity to work with the one and only Superstar and National Artist na si Ms. Nora Aunor sa pelikulang ‘Pieta’ na dinirek ni Adolf Alix, Jr. na ipalalabas this year. Kaya nasabi niya […]