Negosasyon ng pamahalaan sa Pfizer, nagiging mabusisi
- Published on April 9, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ng gobyerno na lawyer to lawyer ang magiging transaksiyon sa kasalukuyan ng gobyerno sa kumpanyang Pfizer.
Ayon kay Vaccine czar Secretary Carlito Galvez , itoy dahil na rin sa mahigpit na patakaran ng Pfizer lalo na sa isyu ng indemnification.
Sa kasalukuyan ay halos tapos na ang negosasyon sa pitong kumpanyang maaaring mapagkunan ng bansa ng bakuna maliban sa Pfizer.
Tanging ang nasabing kumpanya na lang ang isinasapinal habang ang ibang kumpanya gaya ng Sinopharm ay nasa estado na ng processing.
“Ongoing ngayon ay iyong processing ng Sinopharm at the same time may mga interested na talagang mag-apply ng mga EUA doon sa Sinopharm. We are processing it, we are looking na lang iyong tinatawag nating mga clinical trials niya and we are assessing na kung just in case katulad ng ginawa natin sa mga nauna, talagang dadaan sila sa proseso, ” ani Sec.Roque.
May mga interesado na din daw na mag- apply ng Emergency Use Authorization sa Sinopharm na siyang preffered brand ni Pangulong Duterte na maiturok sana sa kanya.
“And then iyong sa Pfizer, ongoing nga ang ating negotiation with lawyer-to-lawyer kasi alam natin na napakahigpit ng kumpanyang ito in terms of sa indemnification. So iyon po ang ongoing na ano natin. So sa lahat po, halos lahat ng—pito nating portfolio, halos iyong anim talagang halos talagang buo na po iyon, iyon na lang sa Pfizer po ang pina-finalize po natin,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)