Nelson nagtala ng bagong rekord sa hammer throw
- Published on April 16, 2021
- by @peoplesbalita
SUMULAT ng bagong national women’s hammer throw record si Filipino-Canadian Shiloh Corrales-Nelson sa katatapos na Triton Invitational Tourney sa University of California-San Diego track oval sa United States.
Ineklipsehan ng University of California-Riverside track team member sa six and last attempt ang eight-year-old PH mark na 50.55 meters ni Loralie Amahit-Sermona na naitatak sa 2013 Pune Asian track and field championships.
Naghagis ang dalaga ng 50.63m, pero bineberipika pa ito ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) bago opisyal na ipasok sa record books.
Ang 19-anyos dalagang thrower ang nakababatang utol ni 2020 Tokyo Olympic hopeful sprinter Zion Corrales-Nelson.
Mga apo naman sila ni 1962 Jakarta Asian Games gold medalist at Philippine Sports Hall of Famer Rogelio Onofre. (REC)
-
‘Perfect ambassador’ para sa Earth Hour: PABLO, mangunguna sa annual switch-off event sa Maynila
IBA talaga ang lakas ng impact ng SB19, buong grupo man o solohan. Ang leader kasi ng grupo na si Pablo ay napili para sa Earth Hour celebration ngayong taon bilang ng World Wide Fund for Nature Philippines (WWF-PH) bilang pinakabagong music ambassador para sa Earth Hour Philippines 2024. Si Pablo […]
-
Pinoy athletes nagningning sa Paris opening
HINDI nahadlangan ng ulan ang Olympic spirit ng mahigit 10,000 atleta at opisyales na dumalo sa opening ceremony ng 2024 Paris Olympics. Masaya ang Team Philippines na pumarada sa opening rites na ginanap sa Seine River. Hindi pa man nagsisimula ang parada, kitang-kita ang excitement ng lahat […]
-
FDA, nakikipag-ugnayan na rin sa gumagawa ng popular na Filipino instant noodles dahil sa isyu ng ‘ethylene oxide’
NAKIKIPAG-UGNAYAN na rin ang Philippine Food and Drugs Administration (FDA) sa kumpanya na gumagawa ng popular at paboritong instant noodle brand ng mga Pinoy para masuri ang safety standards compliance nito. Ayon sa FDA, sinimulan na nila ang pag-imbestiga sa naturang produkto kasunod ng lumabas na report mula sa European countries sa Ireland, […]