Never naihayag at ‘di nakaporma… PIA, nagustuhan din ni ALDEN bukod kay MAINE
- Published on October 11, 2023
- by @peoplesbalita
HINDI lamang pala kay Maine Mendoza nahulog ang loob ni Alden Richards sa mga panahong regular host pa ang Pambansang Bae sa Eat Bulaga!
Muntik palang magkaroon ng AlPia, bukod sa AlDub nina Alden at Maine, dahil nagkagusto pala si Alden kay Pia Wurtzbach.
Sa guesting niya sa “Fast Talk with Boy Abunda” ito ibinulgar ni Alden.
‘Di ba nga at matalik na magkaibigan sina Pauleen Luna (na host rin ng lumang EB) at Pia kaya may mga pagkakataon na pinapasyalan ni Pia si Poleng kahit na noong hindi pa nagwawagi sa Miss Universe si Pia.
Pero siyempre ang pagtingin ni Alden ay “from afar” at never inihayag ni Alden ang feelings niya para sa Miss Universe 2015.
“Sa Eat Bulaga, best friends sila ni Pauleen Luna e, so every now and then, si Pia would go there to say hi to Pauleen,” pagbabahagi ni Alden.
“Nakikita ko siya na hindi naka-glam, yung puso niya mabuti, and then after she won Miss Universe, parang grabe.”
At kahit raw win na si Pia bilang pinakamagandang babae sa universe ay hindi raw ito nagbago, hindi yumabang.
“I can attest that she has remained the same,” wika pa ni Alden.
***
HINDI na raw kinailangan ng Kapuso child actor na si Franchesco Maafi na mag -audition para sa pelikulang ‘The Gift’.
“Handpicked po ako ni direk. Sobrang saya ko po na hindi na po pinag-audition, hindi na po ako parang pina-acting, handpicked na po talaga.
Bida sa unang pagkakataon sa pelikula si Franchesco at ito ay sa ‘The Special Gift.’
Mahirap ba para sa isang twelve-year old na batang tulad niya ang umakting sa harap ng kamera?
“Para sa akin po sa una po talaga, nahirapan din po ako, pero kapag po yung tumagal na po, medyo gamay na gamay na po.”
Hindi raw siya nakakontrata sa GMA pero nagpapasalamat siya na binibigyan siya ng mga proyekto ng naturang TV network lalo pa at talagang hilig niya ang mag-artista.
May artistang iniidolo si Franchesco, for a very special reason…
“Si Dingdong Dantes po, kasi po ipinaglihi po ako kay Dingdong.”
Hindi pa niya nakakatrabaho si Dingdong pero may magandang ibinalita si Choco.
“Soon po, makakasama ko na siya.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Tineg, Abra niyanig ng magnitude 6.7 na lindol
NIYANIG ng magnitude 5.8 na lindolo ang Tineg, Abra. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST), naramdaman ang lindol dakong 10:59 ng gabi na may lalim na 28 kilometers. Naramdaman ang intensity 5 sa Sinait, Ilocos Sur at Intensity 4 sa lungsod ng Baguio. Pinawi naman ng […]
-
Okay na sila at naka-move on na: MIKAEL, umiwas magsalita sa naging issue ni MEGAN sa Miss World 2024 pageant
NAG-RENEW ng kanyang exclusive contract with GMA si Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose last March 12. Labis ang pasasalamat ni Julie sa GMA dahil sa magandang career na binigay sa kanya simula pa nung naging contestant siya sa Popstar Kids noong 2005. “GMA Network, thank you so much for […]
-
Ads January 7, 2025