New year’s resupply mission sa West PH Sea, naging matagumpay – PCG
- Published on January 11, 2024
- by @peoplesbalita

Ito ay makaraang makapagsagawa ng rotation and resupply (RORE) mission sa West Philippine Sea (WPS) mula Enero 3 hanggang 9, 2024.
Ligtas na nakarating ang nasabing PCG vessels sa port sa Bataraza, Palawan, matapos maghatid ng mga mahahalagang supply sa mga tauhan ng Coast Guard na naka-deploy sa mga PCG unit na matatagpuan sa Kalayaan Island Group (KIG), partikular sa Lawak Island, Panata Island, at Pag-asa Isla.
Sinabi ni PCG Commandant, Admiral Ronnie Gil Gavan, na sasailalim sa mga improvement ang mga pasilidad ng Coast Guard sa nasabing mga isla ngayong taon.
Ibinahagi niya na gagamitin ng PCG ang karagdagang budget ng taon para sa pagpapaunlad ng imprastraktura upang palakasin ang mga kakayahan sa pagtugon at pagsubaybay sa WPS.
Samantala, pinuri naman ni Coast Guard District Palawan (CGDPAL) Commander, CG Captain Dennis Labay, ang mga tauhan sa kanilang dedikasyon sa tungkulin sa pamamagitan ng aktibong paglilingkod sa malalayong Coast Guard units sa WPS, lalo na sa panahon ng kapaskuhan.
Sinuportahan din ng mga miyembro ng Philippine National Police-Maritime Group (PNP-MARIG) ang naturang inisyatibo. ( Daris Jose)