• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Newsome lider na sa Bolts

MAY panibagong responsibilidad na papasanin si Christopher Elijah ‘Chris’ Newsome dahi sal pagkaawala ni teammate Baser Amer para sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2021 na sisiklab sa Abril 9.

 

 

Ito ang pinabalikat ni Norman Black para sa versatile player na magiging point guard mula sa pagiging shooting  guard/forward ng Meralco.

 

 

“I think Newsome can be a good point guard since we always get the ball in his hands, plus he’s our leader in assist last conference,” bulalas kahapon ng Bolts coach.

 

 

Ang 30-year-old, 6-foot-2 Fil-Am dribbler  ang No. 1 scorer din ng team sa average na 14.45 points at  4.36 assists sa 45th PBA PH Cup sa Angeles, Pampanga bubble noong Oktubre-Disyembre.

 

 

Aminado si Black na mahirap na desisyon ang pakawalan si Baser Amer na kasama ni Bryan Faundo na pinagpalit kay Rey Mark ‘Mac’ Belo sa Blackwater Bossing kamakailan.

 

 

Si Amer na starting point guard ng team sapul noong 2017-20 nang magretiro si Jimmy Alapag may apat na taon na ang nakararaan.

 

 

“We’ve been together for five years and we’ve made a good run together so it’s really an emotional moment for me trading him,” hirit ni Black. “On the other hand, we want to upgrade our front court and unload extra players in the backcourt because we have a lot of point guards in the team.”

 

 

Ang pinangalanang Outstanding Rookie ng bubble tournament na si Aaron Black, si Anjo Caram at si Nards Pinto ang bubuong back court ng Meralco.

 

 

Pinanapos ng mentor na aasa siya pagbabago ni Newsome upang maging isang combo guard, katulad ng papel ni Daniel Gabriel ‘Gabe’ Norwood sa Rain or Shine. (REC)

Other News
  • Pagpapalabas ng P25.16-B para sa 8.4M indigents’ health insurance, aprubado ng DBM

    MAKATATANGGAP ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ng  P25.16 billion para sa  one-year health insurance premiums  ng mahigit sa 8 milyong Filipino indigents.     Ito’y matapos na magbigay ng “go signal” si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah F. Pangandaman  na ipalabas ang P25,157,547,000 para sa insurance premiums ng 8,385,849 kuwalipikadong indigents […]

  • Biyudo kulong sa P170K shabu at baril

    Bagsak sa kulungan ang isang 51-anyos na biyudo matapos makuhanan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan city, kahapon ng madaling araw.   Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong suspek na si Marcelo Amor, (watchlisted) ng 252 Abby Road 2, Brgy. 73. […]

  • Baseball, basketball sa PSA Forum

    PAG-UUSAPAN ang baseball at basketball sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong umaga sa confe­rence hall ng Rizal Memorial Sports Complex.     Tatalakayin ang paglahok ng Philippine baseball team sa XIV East Asia Baseball Cup at ang dara­ting na East Asia Super League Home and Away Season 2 sa pang alas-10:30 ng umagang public […]