• December 6, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Next fight ni Pacquiao pinaplantsa na!

Pinaplantsa na ang susunod na laban ni eight-division world champion Manny Pacquiao na ina­asahang isisiwalat ng kampo nito ngayong linggo.

 

 

Ayon kay Pacquiao, ilang bagay na lamang ang inaaayos bago ihayag ang pangalan ng makakasagupa nito sa kanyang laban na target idaos sa Abril o Mayo.

 

 

Mahigit isang taon ding hindi nasilayan sa aksyon si Pacquiao na huling su­malang noon pang Hulyo ng 2019 nang itala nito ang split decision win kay Keith Thurman.

 

 

“Ipa-finalize na namin this week. Kapag na-finalize na saka namin ia-announce kung sino ang makakalaban (ko sa next fight),” wika ni Pacquiao.

 

 

Ilan sa mga pina­nga­lanan ni Pacquiao sina International Boxing Fe­deration (IBF) at World Boxing Council (WBC) welterweight king Errol Spence Jr. at reigning World Bo­xing Organization (WBO) welterweight champion Terence Crawford sa mga kandidato.

 

 

Kasama rin si WBC interim lightweight champion Ryan Garcia sa mga natukoy matapos itong maglabas ng poster ng dream fight nito kay Pacquiao.

 

 

Klinaro naman ni Pacquiao na sakaling matuloy ang laban kay Garcia, posibleng isang exhibition match lang ito dahil bagito pa ito na halos ka-edad ng kanyang panganay na anak.

 

 

“Nandyan din si (Ryan) Garcia pero parang exhibition lang yan, 22 years old pa lang parang anak ko na yan. Pero ok lang yan parang ako ang professor (niya),” biro pa ni Pacquiao. (REC)

Other News
  • Mahigit 350K residente sa Amerika, nawalan ng suplay sa kuryente dahil sa winter storm

    PATULOY  na hinahagupit ng “massive winter storm” ang Amerika na na nag-iiwan ng higit sa 350,000 katao ang apektado.     Kasalukuyang naranasan ngayon sa Arkansas at Tennessee; Illinois at Ohio; Kentucky at West Virginia ang makapal na snow, freezing rain at nagye-yelo na paligid dahilan upang nawalan sila ng suplay ng kuryente.     […]

  • Libreng sakay sa rail lines sa mga may bakuna

    Binalita ng Department of Transportation (DOTr) na may libreng sakay ang mga fully vaccinated na sasakay ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3), Light Rail Transit Line 2 (LRT2), at Philippine National Railways (PNR).     “The DOTR is offering the free rides beginning August 3 until August 20,” wika ni DOTr Secretary Arthur Tugade. […]

  • Pres. Marcos at King Philippe ng Belgium nagpulong

    IPINAGMALAKI nito na mayroon ng mahigit 76 taon na ang bilateral ties ng Pilipinas at Belgium.     Bukod kay King Philippe ay makakasalamuha ay magkakaroon din ng bilateral meeting ito sa mga lider ng Belgium, Estonia, Czech Republic, Spain, Denmark, Germany, Poland, Finland, Netherlands at European Union.