“Ngayon ang tamang panahon para mamuhunan sa Lalawigan ng Bulacan” – Fernando
- Published on December 17, 2022
- by @peoplesbalita
“SA LAHAT ng mga malalaking development plans at business opportunities dito sa ating lalawigan, ipinagmamalaki kong sabihin sa inyo na ngayon ang tamang panahon para mamuhunan sa lalawigan ng Bulacan. Magkapit-bisig tayo upang maging sentro ng pag-unlad ng ekonomiya ng ating bansa ang Bulacan.”
Ito ang mensahe ni Gobernador Daniel R. Fernando sa mga Bulakenyong may-ari ng negosyo, negosyante at mga stakeholders na dumalo sa First BCCI Governor’s Ball sa Grand Hyatt Manila, Bonifacio Global City, Taguig noong Martes.
Isinagawa ng Bulacan Chamber of Commerce and Industry sa suporta ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang ball sa layuning mapalakas ang sektor ng pagnenegosyo sa lalawigan gayundin upang ipagdiwang ang matagal na nilang pagtutulungan upang maipatupad ang mga programang pangkaunlaran para sa mga Bulakenyo.
Pinangunahan ni Ma. Cristina C. Tuzon, BCCI Chairman ng Board of Trustees, ang pagpiprisinta ng fund-raising projects ng BCCI kung saan nangakong magpapaabot ng tulong pinansiyal ang mga negosyanteng dumalo upang maipagpatuloy ang mga proyekto ng organisasyon sa pagsulong ng mga Micro, Small and Medium Enterprises sa Bulacan at mapalakas ang ugnayan ng publiko at pribadong sektor tungo sa pag-unlad ng ekonomiya.
Ibinida rin ni Fernando ang mga parangal na nakamit ng lalawigan kabilang ang Hall of Fame Award para sa Local Revenue Generation mula sa Department of Finance – Bureau of Local Government Finance, Most Business-Friendly LGU Award at 10th Place sa Cities and Municipalities Competitiveness Summit ng Department of Trade and Industry na nagpapakita nang pagsusumikap ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan upang makabuo ng isang business-friendly na probinsiya.
“Dahil po sa patuloy nating pagkakapit-bisig, nananatili pong nasa rurok ng pananagumpay ang ating sektor ng industriya at ekonomiya sa Bulacan. Patunay na po ang mga parangal na ating nakamit. Atin pong ibinabalik ang mga ito sa ating mga minamahal na Bulakenyo sa pamamagitan ng patuloy na pagtugon sa kanilang mga pangangailan, pagbibigay ng sapat na job opportunities at pagsuporta sa ating mga negosyo,” ani Fernando.
Ipinahayag din ng gobernador ang kanyang pagnanais na makapagbukas pa ng maraming pinto ng kolaborasyon sa organisasyon sa pag-asang maseguro ang isang progresibong kinabukasan para sa lalawigan.
Kabilang din sa mga dumalo sa ball ay sina Bise Gobernador Alexis C. Castro, ‘Ama ng BCCI” at dating Gobernador Roberto ‘Obet’ Pagdanganan, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, mga pinuno ng tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Panlalawigang Tagapangasiwa Antonia Constantino at mga negosyateng Bulakenyo. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
Pilipinas magpapadala ng 814 atleta para sa 32nd SEA Games sa Cambodia
AABOT sa 814 na atleta ang ipapadala ng bansa para sa pagsabak sa 32nd Southeast Asian Games sa susunod na taon sa Cambodia. Ito ang napagpasyahan sa dalawang consultative meeting ng national sports associations. Mayroong 49 sports ang lalaro sa Cambodia na magsisimula mula Mayo 5 hanggang Mayo 15. […]
-
Kasunduan para masilip ng mga health expert ng bansa ang resulta ng mga clinical trials ng AstraZeneca, tinintahan na
TULUY-tuloy ang pakikipag-usap ng Department of Science and Technology (DoST) sa AstraZeneca, makaraang sabihin na muli silang magsasagawa ng panibagong clinical Trial dahil sa paiba-ibang resulta ng kanilang bakuna laban sa Covid-19. Sa katunayan, ayon kay Dr. Jaime Montoya, Executive Director ng Philippine Council for Health Research and Development ng DOST sa Laging Handa […]
-
KRIS, pinasaya nang husto si JOSH sa bonggang birthday gift nila ni BIMBY
NAG-POST si Queen of All Media Kris Aquino ng heartfelt message para sa kanyang panganay na si Joshua Aquino na nag-celebrate ng 26th birthday kahapon, June 4. Sa kanyang IG at Facebook post na kung saan ibinahagi rin niya ang isang video sa outreach program bilang selebrasyon na kung saan namigay siya ng […]