Ngayong summer break, pagnilay-nilayan sana ng mga senador ang panukalang pagbabago sa konstitusyon
- Published on April 6, 2023
- by @peoplesbalita
UMAASA si CamSur Rep. LRay Villafuerte na bibigyang panahon para pag-isipan at pag-aralang maigi ng mga miyembro ng Senate committee on constitutional amendments and revision of codes ngayong congressional break sa pagdesisyon sa report sa panukalang pagbabago sa restrictive economic provisions ng konstitusyon.
Sa kabila na isinusulong ng committee chairman nitong si Senador Robinhood Padilla na maaprubahan ng mga miyembro ng komite ang report na nag-eendorso sa Charter Change sa pamamagitan ng Constituent Assembly (Con-Ass) option— kaysa sa inaprubahan ng kamara na panukalang Constitutional Convention (Con-Con) ay sinabi ni Villafuerte na bukas siya sa naging kaganapan basta masigurong magtutuloy tuloy ang proseso.
“We are hoping our senators, especially the members of the Senate committee on constitutional amendments and revision of codes, can find time during our recess to consider the report of its chairman, Sen. Robin, endorsing constitutional reforms to do away with our 1987 Charter’s economic provisions that have restricted foreign ownership of, or participation in, Philippine businesses,” pahayag ni Villafuerte.
Para sa mambabatas, hindi isyu umano sa kanya kung anong hakbang (concon o con-ass) ang pipiliin ng senado para amyendahan ang konstitusyon kundi ang maipagpatuloy ang proseso upang maamyendahan o maisa-ayos ang depekto sa konstitusyon.
“The important thing is for us lawmakers to keep the ball rolling on constitutional reforms, in the hope that we can do away soon enough with the restrictive economic provisions of our 36-year-old Charter that have put off investors and impeded the inrush of FDIs (foreign direct investments),” dagdag ni Villafuerte. (ARA ROMERO)
-
MARIAN, balitang handpicked ng Miss Universe organization para maging hurado; magkakahiwalay uli sila ni DINGDONG
‘PAG nagkataon, baka ilang araw lang pagbalik ni Dingdong Dantes mula sa kanyang lock-in taping at quarantine ay magkakahiwalay silang muli ng misis na si Marian Rivera. Usap-usapan na nga na isa si Marian sa magiging judge ng Miss Universe 2021 na gagawin sa Israel. Sa December 12 ang coronation night, pero siyempre, […]
-
Japanese Boxer Naoya Inoue kumuha ng 2 Pinoy sparring mate
KUMUHA ng dalawang Filipino boxer para maging kaniyang sparring mate si Undefeated Japanese world champion Naoya “Monster” Inoue. Ito ay bilang paghahanda sa unification fight niya kay Nonito Donaire Jr sa Hunyo 7, 2022 na gaganapin sa Japan. Ang mga Pinoy boxers na kinuha ni Inoue ay sina Kevin Jake “KJ” […]
-
27K pasahero dumadagsa kada araw
UMAABOT sa 27,000 pasahero ang lumalapag sa bansa kada araw na karamihan ay mga balikbayan na nais makasama ang kanilang pamilya sa selebrasyon ng darating na Pasko, ayon sa Bureau of Immigration (BI). Sinabi ni Carlos Capulong, acting chief ng BI-Port Operations Division, nasa pagitan ng 25,000 hanggang 27,000 ang kanilang naitatala na […]