• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NHA at DA, lumagda sa kasunduang ilapit ang murang sulay ng pagkain sa mga benepisyaryo

LUMAGDA ang National Housing Authority (NHA) at Department of Agriculture (DA) sa isang Memorandum of Understanding (MOU) nitong Marso 20, 2025, upang matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng mga produktong agrikultural sa piling resettlement sites ng NHA.

Layunin ng kolaborasyong ito na palakasin ang seguridad sa pagkain at isulong ang sustainability habang tinutugunan ang mga hamon sa sektor ng agrikultura. Ang inisyatibang ito ay bahagi ng KADIWA ng Pangulo (KNP) Program na sumusuporta sa layunin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na matulungan ang mga magsasaka na direktang maibenta ang kanilang produkto sa mga mamimili.

Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng mga magsasaka, mangingisda, maliliit na negosyante, at mamimili, nagbibigay ang KADIWA Program ng sariwa at lokal na ani sa abot-kayang presyo.

Kinatawan ng NHA si General Manager Joeben Tai, habang kinatawan naman ng DA si Kalihim ng Agrikultura Francisco P. Tiu Laurel Jr.

“Bilang General Manager ng National Housing Authority, ipinagmamalaki ko pong patunayan ang dedikasyon ng NHA sa programang ito. Kinikilala namin ang kaginhawaang dulot ng KADIWA sa ating mga komunidad at sa buong bansa,” ani GM Tai.

Pinasalamatan din ni GM Tai ang DA dahil sa suporta nito sa misyon na madala ang serbisyo ng pamahalaan sa mga resettlement site. “Maraming salamat din sa Department of Agriculture sa pakikiisa sa misyon na gawing accessible ang ating serbisyo sa mga benepisyaryo ng pabahay,” dagdag ni GM Tai.

Binigyang-diin din ni GM Tai na ang KADIWA ay naging mahalagang bahagi ng bawat NHA People’s Caravan upang matiyak na direktang nakikinabang ang mga komunidad sa mga inisyatiba ng programa.

Dumalo rin sa pagpirma sina NHA Assistant General Manager Alvin S. Feliciano, Community Support Services Department OIC Donhill V. Alcain, Assistant Secretary for Agribusiness, Marketing, and Consumer Affairs, at KADIWA Program Head Atty. Genevieve Velicaria-Guevarra. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • ALJUR, umaming nasadsad at nabugbog kaya nakapag-post laban kay KYLIE pero ‘di proud sa nagawa

    SA ginanap na face to face mediacon ng bagong pelikula ni Aljur Abrenica ay ipinaliwanag niya kung bakit niya nagawang mag-post ng mga dahilan kung bakit sila naghiwalay ng asawang si Kylie Padilla.          “I’m not proud sa nangyari. The reason why nagawa ko ‘yun, ‘yung post, kasi I felt like nasadsad na […]

  • Ads October 30, 2023

  • Legaspi pang-13 sa Cactus

    LUMAGAK na pang-13 ang dating national golf women’s team member na si Clare Amelia ‘Mia’ Legaspi sa kahahambalos na Morongo-Champions sa Morongo Golf Club/Tukwet Canyon sa Beaumont, California, United States.     Bumitaw ang Pinay golfer ng seven-over par 79 sa opening at six-over 78 sa closing upang maisalba ang 13-over 157 sa 24-player event […]