Ni-raid na condo sa Maynila, ‘Mother of all POGO hubs’-PAOCC
- Published on November 4, 2024
- by @peoplesbalita
ITINUTURING ng Presidential Anti- Organized Crime Commission (PAOCC) na “Mother of all POGO hubs” ang sinalakay na 40 palapag na condominium kamakailan sa Adriatico, Maynila kasabay ng pahayag na hindi sila titigil sa kanilang operasyon laban sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO).
Ayon sa PAOCC, ang naturang condominium ay naging “taguan” ng ilegal na mga aktibidad ng POGO sa bansa, kabilang na ang mga dating nakabase sa POGO hub ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Lumilitaw na pagmamay- ari ng Chinese ang gusali na umano’y nagpapakilalang “untouchable” dahil sa malalakas na koneksyon sa ilang mga ahensya ng gobyerno. Ipinagmamalaki rin ng Chinese ang kanyang pagkakalapit sa dating Department of Justice Secretary Vitaliano Aguirre at iba pang opisyal ng Duterte administration.
Maraming palapag ng gusali ang ginawang pansamantalang opisina ng mga hindi rehistrado at hindi reguladong mga operator.
na ang ginawang pagsalakay na nagresulta sa pag-aresto ng halos isang libong katao, kabilang ang 69 na dayuhan na umano’y sangkot sa ilegal na mga aktibidad, ay bunga ng masusing operasyon na pinangunahan ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco D. Marbil, National Capital Region Police Office (NCRPO) Director PMGen. Sidney Hernia, at PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) Director PMGen. Ronnie Cariaga, kasama ang suporta ng iba pang unit ng pulisya.
Ang matagumpay na pagsalakay ay pagpapakita ng paninindigan PAOCC at PNP na buwagin at puksain sa mga krimen na may kaugnayan sa online scams, ilegal na sugal, at human trafficking.
Dagdag ng PAOCC, dapat na iturn over agad sa Bureau of Immigration (BI) ang mga nahuling undocumented na dayuhan para sa tamang proseso at deportation. Subalit nakakapagtakang tinatanggihan umano ng BI ang mga dayuhan na indikasyon ng impluwensiya ang nasabing Chinese national.
Giit pa ng PAOCC, dapat nang mabuwag ang koneksiyon ng maimpluwensiyang dayuhan upang matapos na ang mga illegal activities.
(Daris Jose)
-
Mga bata bawal din sumama sa Simbang Gabi – MMDA
Mahigpit ding pagbabawalan na dumalo sa Simbang Gabi o Misa de Gallo ang mga kabataan sa Metro Manila dahil sa nagpapatuloy na banta ng coronavirus disease. Napagkasunduan ng 17 alkalde ng Maynila na huwag payagan ang mga kabataan na may edad 17 pababa na lumabas ng kanilang mga bahay kung hindi naman importante ang […]
-
World’s No. 1 Djokovic, todo sorry kaugnay sa naitalang COVID-19 infections sa sariling tennis tourney
Labis ngayon ang paghingi ng paumanhin ni top-ranked tennis player Novak Djokovic sa mga players na nagkaroon ng COVID-19 na lumahok sa inilunsad nitong Adria Tour tennis tournament. Pahayag ito ni Djokovic matapos na kumpirmahin nito na dinapuan din siya at ang kanyang asawang si Jelena ng deadly virus. Matatandaang umani si Djokovic […]
-
P750K paglalabanan sa PBA 3×3 grand finals
Premyong P750,000 ang pag-aagawan ng 10 top teams sa Grand Finals ng PBA 3×3 Lakas ng Tatlo tournament sa Disyembre 29 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. Papagitna sa aksyon ang nasabing finale kung kailan pahinga ang 2021 PBA Governors’ Cup. Nauna nang ikinunsidera ni PBA Commissioner Willie Marcial ang […]