• February 10, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NIGERIAN NATIONAL NA SANGKOT SA CYBER CRIME, IKINUSTODIYA NG BI

HAWAK  na ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Nigerian national na nauna nang naaresto at ikinulong dalawang taon na ang nakararaan dahil sa pagkakasangkot sa credit card fraud and cyber-crime activities.

 

 

Sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente, kinilala ng BI’s fugitive search unit (FSU) ang Nigerian national na si Emmanuel Obi Nwadkure, 26, na inaresto sa Hall of Justice bldg. sa  Muntinlupa City.

 

 

Ang FSU ay armado ng mission order na inisyu  ni Morente na isinilbi sa Nigerian habang nag-attend ng kanyang hearing  sa Muntinlupa City regional trial court.

 

 

Sinabi ni BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy  na kinakailangan na nasa kustodiya nila ang Nigerian para masiguro na hindi tatakas o magtatago habang dinidinig ang kaso laban sa kanya.

 

 

Sinabi pa ni Sy ay pinayagan mag-piyansa ang dayuhan kaya pinakawalan sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

 

 

Paliwanag ni Sy na sa kasalukuyang batas, ang isang dayuhan na may pending criminal case at nakalaya dahil sa piyansa ay kinakailangan ilipat sa kustodiya ng BI bilang bahagi ng deportation proceedings.

 

 

Sa datos, ang Nigerian national ay overstaying na, kung saan inaresto noong  Sept. 8, 2020 ng mga ahente ng anti-cyber crime unit ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa paglabag sa  Republic Act 8484 o Access Devices Regulation Act of 1998. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Halos 26-M Pilipino fully vaccinated na vs COVID-19 – Malacañang

    Humigit kumulang 26 million Pilipino na ang fully vaccinated kontra COVID-19, ayon sa Malacañang.     Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hanggang noong Oktubre 25 ay kabuuang 56,254,529 doses na ng COVID-19 vaccines ang naituturok.     Sa naturang bilang, 30,298,860 dito ang first dose habang 25,955,669 naman ang second dose.     […]

  • James, nilait-lait ng netizens at wala na ang ‘star quality’

    MAGKASAMA sina Nadine Lustre at James Reid sa taping ng 2020 ABS-CBN Christmas Station ID na titulong ‘Ikaw ang Liwanag at Ligaya’ na malapit nang mapanood.   Sa photos nila na lumabas, maraming netizens ang nag-react sa dating magkasintahan at maraming nanglait sa hitsura ni James na nawalan na raw ng ‘star quality’.   Ayon […]

  • COVID-19 ni ex-Manila Mayor Lim ‘di alam kung saan galing

    Hindi pa rin alam ng pamilya ng nasawing dating Manila Mayor Alfredo Lim kung paano ito nahawa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na nagdulot ng pagkamatay nito.   “On a weekend, lumalabas siya. Tatlo, apat, hanggang limang beses. Saglit lang ‘yun. Kain lang siya ng breakfast niya, pagkatapos, paalaman na,” saad ng anak nitong si […]