• July 18, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nilagay sa gitna kasama ang iniidolong Sexbomb Girls: MELAI, hiyang-hiya kaya nag-sorry kina ROCHELLE, JOPAY, SUNSHINE at CHECHE

LAST Saturday, nagkaroon ng launching ang Surf2Sawa (S2S) Prepaid Fiber Internet powered by Converge para sa kanilang newest celebrity endorsers.
Ginanap ito sa Quirino Elementary School na kung saan ini-reveal ang ‘MamaMo’ na kinabibilangan nina Melai Cantiveros-Francisco, Rochelle Pangilinan, Jopay Paguia, Sunshine Garcia at Cheche Tolentino ng Artist Circle.
Ang bongga ng collab na ito ni Melai kasama ang apat na Sexbomb Girls, na pawang nakaka-relate sa murang prepaid internet, lalo na nga’t pare-pareho na silang mommy, maliban lang kay Cheche.
Natanong sina Rochelle, kung ano ang pakiramdam na katrabaho ang isang Kapamilya na tulad ni Melai.
“Ibang klase dahil napakabait ni Melai at napaka-generous,” pahayag ni Rochelle.
“Ilang araw lang kaming nag-shoot, nakilala na namin siya agad. Naririnig ko palagi ang pangalan niya kay Jolina (Magdangal), na kaibigan ko, kumare at kasama rin sa PPL management.
“Ang sabi ni Jolens, sobrang bait ni Melai at napatunayan namin ‘yan nang mag-shoot kami ng dalawang araw.”
Reaksiyon naman ni Melai, “sobrang bait din ng Sexbomb, grabe talaga at very professional.
“Pero grabe ang takot ko, kasi nga nanghingi ako ng sorry sa kanila, na patawarin nila ako na nasa gitna ako, dahil hindi naman basta-basta ang Sexbomb.
“Hindi ko nga alam kung ano ang nakain ng ‘Surf2Sawa’ bat ginawa nila ‘yun.
“Kasi siyempre, bilang sila ang mga idol natin sa pagdating sa sayawan, mga OG sa sayaw, mahihiya ka talaga.  Sino ba ako, bakit nila ako ipagitna?  Pero grabe sila, sabi nila walang problema.
“Si Ate Jopay, si Ate Sunshine na nakasama ko sa ‘Banana Split’, sobrang bait talaga niya, ngayon naman si Ms. Rochelle at siyempre si Ate Cheche na matagal ko nang kasama sa ‘Surf2Sawa’.”
Aminado naman sina Rochelle, Sunshine, Jopay at Melai, na may maliliit na anak, na nililimitahan nila ang paggamit ng internet para mag-surf o kaya’y manonood.
Anyway, sina Melai, Rochelle, Jopay, Sunshine at Cheche nga ang napili dahil perfect siya mag-represent sa mga nanay sa bawat bahay.
Ayon pa kay Melai, “four pesos lang a day, unlimited surf na yun.  Tapos ang Surf 2 Sawa ay nag-iikot sa buong bansa, para mamigay sa tatlong bahay libre ang one year internet.”
Kaya nga S2S ang sinasabing prepaid internet na ng bayan, dahil mabilis, mura at walang kontrata.
Kaya mag-apply na, Fiberkas sa https://surftosawa/com
(ROHN ROMULO)