NLEX sablay sa bentahan vs barat na buyer
- Published on February 17, 2020
- by @peoplesbalita
BUKING na sa sektor ng negosyo na pinagbibili na ng may-ari ng North Luzon Expressway o NLEX Road Warriors ang prangkisa nito sa Philippine Basketball Association (PBA).
Nabatid sa isang impormante na may nakikipagnegosasyong isang malaking kompanya sa pangasiwaan ng Road Warriors para sa bentahan ng isa sa tatlong PBA team ni Manuel V. Pangilinan o MVP Group pero hindi pa nagkaayusan ang magkabilang panig dahil binabarat ito ng buyer.
“Actually may mga buyer na pero binabarat nga lang ang NLEX. May isang halos done deal na, pero inaalam pa ‘yung ibang mga detalye hinggil sa iba’t ibang kontrata ng mga player,” patuloy ng source.
Una kumalat sa social media ang posibilidad na magkaroon ng isang independent team sa professional cage league may ilang araw pa lang ang nakalilipas
“Inilalako na nga ang team pero wala pang takers. Masyadong malalaki kasi ang sahod ng mga player kaya binabarat ng mga gustong bumili,” panapos ng espiya.
Inihayag naman nina PBA Commissioner Wilfrido Marcial at Road Warriors coach Joseller Guiao na wala pang pasabi ang mga boss ng team para sa nasabing pagbabaneta.
“Wala pang formal or informal notice na ipinapadala sa akin,” pahayag ni Marcial. “Usually, dapat mayroong ipinapadala sa atin na information, formal or informal if there are such move. But as of now, wala pa naman sa atin na ipinapaalam ang mga official ng team.”
“Wala pa akong alam. Sino nagsabi?,” tugon ni Guiao. “Ahh kung ganun, wala sa level ko ang usapan na yan. Mga bossing dapat tanungin ninyo.” (REC)
-
Magkasama sa advocacy series na ‘West Philippine Sea’: ALJUR at AJ, nagbahagi ng kanilang karanasan tungkol sa ‘bullying’
PURSIGIDO talaga ang advocacy producer na si Dr. Michael Raymond Aragon, na chairman ng Kapisanan ng Mga Social Media Broadcasters sa Pilipinas Inc. (KSMBPI) sa pagsusulong ng kanyang action-advocacy series na “West Philippine Sea” na nakatakdang mapanood sa mga streaming platforms, tulad ng free TV, cable and satelite TV, simula ngayong November. Kuwento […]
-
NFA chief, 138 pa sinuspinde sa bagsak presyong bigas
PINATAWAN ng Office of the Ombudsman ng anim na buwang preventive suspension ang nasa 139 opisyal ng National Food Administration dahil sa bentahan ng rice buffer stocks. Kasama sa mga suspendido sina NFA Administrator Roderico Bioco, Asst. Admin John Robert Hermano at iba pang regional managers at warehouse supervisors. Dahil dito […]
-
3 SA 105 BAGONG NAGPOSITIBO SA COVID SA NAVOTAS, NASAWI
TATLO sa 105 mga bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Navotas ang nasawi kamakalwa, Hulyo 28, habang 77 pasyente naman ang gumaling, ayon kay Mayor Toby Tiangco. Sa kabuuan ay 1,623 na ang kumpirmadong kaso ng nasabing sakit sa lungsod, 750 dito ang active cases, 783 ang gumaling na at 90 naman […]