• September 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NLEX toll rates muling tataas

PINAYAGAN ng Toll Regulatory Board (TRB) ng Department of Transportation (DOTr) na magkaroon ng rate adjustment sa North Luzon Expressway (NLEX).

 

 

 

“We have authorized the imple-mentation of an additional P7 in the open system and P0.36 per kilometer in the closed system starting June 15,” wika ng TRB.

 

 

 

Ang additional rates ay masusing sumailalim sa regulatory reviews at approvals. Ang nasabing bagong rates ay bahagi ng authorized NLEX periodic adjustments noon pang 2012, 2014, 2018 at 2020 na taon.

 

 

 

Pinayagan ng TRB na kolektahin ang fourth at last tranche ngayon taon para sa 2012 at 2014 periodic adjustments at kalahati lamang para sa 2018 at 2020 ng periodic adjustments upang magkaroon ng curb ang existing inflationary situation at ng mabawasan din ang impact sa mga motorista na gumagamit ng NLEX.

 

 

 

Ang mga pampublikong utility jeepneys sa ilalaim ng programa sa “Pass-ada and Tsuper Card” discount at rebate ay hindi maaapektuhan ng pagtataas at mananatili pa rin ang dating rates.

 

 

 

Sa ilalim ng bagong toll fee matrix, ang isang motoristang naglalakbay kahit saan sa loob ng open system ay magbabayad ng karagdagan P7 para sa Class 1 na sasakyan tulad ng regular cars at SUVs. P17 naman ang toll rate sa Class 2 na sasakyan tulad ng buses at maliliit na trucks habang P19 naman sa Class 3 na sasakyan tulad ng malalaking trucks.

 

 

 

Ang open system naman ay mula sa Metro Manila, kasama ang lungsod ng Navotas, Valenzuela at Caloocan papuntang Bulacan. Ang closed system naman ay nasasakupan ang portion ng pagitan ng Bocaue sa Bulacan at Sta. Ines; Mabalacat City sa Pampanga kasama ang Subic-Tipo.

 

 

 

Habang ang mga motorista na naglalakbay sa NLEX ng end-to-end sa pagitan ng Metro Manila at Mabalacat City ay magbabayad ng karagdagan P33 sa Class 1, P81 sa Cllass 2 at P98 sa Class 3 na mga sasakyan.  LASACMAR

 

Other News
  • Pres-elect Marcos at pamilya naghahanda na para sa kanyang ‘assumption to office’

    KINUMPIRMA ni President-elect Bong Bong Marcos na nasa transition process ang kanyang pamilya para maging First Family simula June 30,2022.     Sa isang video na pinost sa kanyang YouTube channel, sinabi ni Marcos Jr., na ang kanyang asawa na si Liza at mga anak na sina Sandro, Simon at Vinny ay kasalukuyang nag-aadjust para […]

  • BBM pamumunuan ang Department of Agriculture

    PAMUMUNUAN ni Presi­dent-elect Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Agriculture (DA) kasabay ng kanyang panunungkulan bilang Pangulo ng bansa sa unang bahagi ng kanyang administrasyon.     Si Marcos mismo ang nag-anunsyo sa kanyang hahawakang posisyon bago ang kanyang panunumpa bilang pangulo sa Hunyo 30.     Ipinahiwatig ni Marcos na pansamantala lamang ang gagawin […]

  • Anak ni Enrile, itinalaga ni PBBM bilang CEZA head

    ITINALAGA ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang negosyanteng si  Katrina Gloria Ponce Enrile, anak na babae ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, bilang  administrator at chief executive officer (CEO) ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA).     Ang posisyon ni Katrina ayon sa Presidential Communications Office (PCO) ay Cabinet rank.     Si […]