• May 16, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

No. 2 MWP ng Malabon natimbog ng NPD sa Rizal

NAGWAKAS na ang pagtatago ng isang tinaguriang listed No. 2 Most Wanted Person ng Malabon city matapos maaresto ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa kanyang pinagtataguan sa Baras, Rizal.

 

 

Kinilala ni NPD District Special Operation Unit (DSOU) head PLTCOL Jay Dimaandal ang naarestong suspek na si Gian Carlo Padua, 31 ng 132 Pineapple Road, Brgy. Potrero, Malabon city.

 

 

Sa report ni PLTCOL Dimaandal kay NPD Director PBGEN Jose Hildalgo Jr, nakatanggap sila ng impormasyon na nagtatago ang suspek sa isang lugar sa Baraz Rizal na naging dahilan upang agad bumuo ng team ang DSOU sa pangunguna ni PLT Melito Pabon.

 

 

Kasama ang NDIT-RIU NCR, RID-NCR, DID-NPD, HPG-NPD at mga tauhan ng Baras Police Station, agad tinungo ng mga operatiba ng DSOU ang pinagtataguan ng akusado sa Southville 9, Pinugay, Baras Rizal na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek dakong alas-10:30 ng gabi.

 

 

Ayon kay PLTCOL Dimaandal, si Padua na isa ring DILG MWP with Reward at miyembro din ng notoryus ‘Limos Carnapping Crime Group’ ay inaresto sa bisa ng warrants of arrest na inisyu ni Hon. Josien N. Rodel, Presiding Judge ng RTC Branch 293 ng Malabon city para sa kasong paglabag sa RA 10833 (The New Anti Carnapping Law of 2018 na walang inirekomendang piyansa at paglabag sa Article 308 of the RPC para sa kasong Theft na inisyu ni Hon. Ma. Ofelia Salgado Contreras-Soriano ng MTC Branch 55. (Richard Mesa)

Other News
  • ICF magdiriwang ng 100 anniversary sa Palawan

    IDARAOS ang Internatio­nal Canoe Federation (ICF) World Dragon Boat Championships mula Oktubre 27 hanggang Nobyembre 4 sa Puerto Princesa, Palawan.     Kasabay nito ang centennial anniversary ng ICF kaya’t doble ang selebras­yon para rito.     “As the president of the Philippine Canoe Kayak Federation, it is both an honor and a humbling responsibility […]

  • Ads December 7, 2021

  • Pangako ni PBBM, mas malakas na “boses” ukol sa climate change

    TITIYAKIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,  may malakas na boses ang Pilipinas  pagdating sa usapin na may kinalaman sa epekto ng climate change o pagbabago ng klima.     Ito’y matapos na matuwa ang Pangulo  nang malaman na nakakuha ang Pilipinas ng puwesto sa  board  ng  Loss and Damage Fund, naglalayong tulungan ang mga mahihirap […]