• February 8, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

No. 4 most wanted person ng Malabon, timbog

HIMAS-REHAS ang isang lalaki na wanted sa kasong statutory rape matapos malambat ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.
          Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan na nakatanggap ng impormasyon ang Warrant and Subpoena Section, (WSS) na naispatan sa kanilang lugar sa Brgy. Ibaba ang presensya ng 22-anyos na akusado na nakatala bilang Top 4 Most Wanted Person sa lungsod.
          Agad bumuo ng team ang WSS, kasama ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station (SS7) at District Special Operations Unit (DSOU) ng NPD saka ikinasa ang police operation na nangresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-3:20 ng hapon sa Camus Extension, Bgry. Ibaba.
          Ang akusado na nakatala naman bilang top 5 MWP sa NPD ay pinosasan ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Rhoda Magdalene L. Mapile-Osinada ng Regional Trial Court Branch 289, Malabon City para sa kasong Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa.
          Pinuri naman ni NPD Director Ligan ang dedikasyon at mabilis na pagkilos ng lahat ng unit na nagsama-sama para masiguro ang matagumpay na operasyong ito.
Aniya, manatiling matatag sa ang NPD sa pangako nito sa pagtiyak ng kaligtasan ng publiko at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan. Dagdag niya, ang patuloy na pakikipagtulungan sa komunidad at stakeholder ay isang pundasyon ng kanilang mga pagsisikap na bumuo ng isang ligtas at maayos na kapaligiran para sa lahat.
Pansamantalang nakapiit ang akusado sa detention facility unit ng Malabon police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman para sa paglilipat sa kanya sa City Jail. (Richard Mesa)
Other News
  • IKA-2 SWAB TESTING SA BUBBLE NEGATIBO MULI

    MULING nagnegatibo lahat ang resulta sa huling swab tesing ng 12 teams na nasa 45 th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Philippine Cup eliminations bubble sa Angeles, Pampanga.   Ang Clark Development Corporation (CDC) ang namahala sa second round tests para sa coronavirus disease na isinagawa sa nakaraang linggo.   May 10 araw na ang […]

  • Pacquiao dapat labanan si McGregor- Del Rosario

    ANG  pagsagupa ni retired world eight-division champion Manny Pacquiao kay Ultimate Figh­ting Championship (UFC) star Conor McGregor ang dapat maitakda.     Ito ang paniniwala ng retiradong taekwondo li­ving legend na si Monsour del Rosario sa hinihintay ng mga fans na exhibition match nina Pacquiao at McGregor.     “It’s still the fight that people […]

  • Isko inialay ang parangal sa mga nagbuwis ng buhay

    INIALAY ni Aksyon Demokratiko at Presidential bet Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa lahat ng frontliners na nagbuwis ng buhay noong kasagsagan ng pandemya ang tinanggap nitong pagkilala na “People of the Year 2022.”     Kinilala si Domagoso ng PeopleAsia Magazine dahil sa ginawang pagtugon at paglaban ng lokal na pamahalaang lungsod na kanyang […]