No. 7 top most wanted person ng Malabon, 1 pa laglag sa selda
- Published on March 5, 2025
- by Peoples Balita
HIMAS-REHAS ang isang kelot na wanted sa kaso ng panggagahasa at pang wanted person matapos madakma ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operation sa Malabon City.
Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, ikinasa ng pinagsanib na mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS), Women’s and Children Protection Desk (WCPD) at Station Intelligence (SIS) ang pagtugis kay alyas “Jonhnel”, 22, na nakatala bilang No. 7 Top Most Wanted Person sa lungsod.
Dakong alas-2:00 ng hapon nang madakip ng mga tauhan ni Col. Baybayan ang akusado sa kanyang bahay sa Liwayway St., Brgy. Bayan-Bayanan.
Ang akusado na nakatala din bilang No. 8 TMWP sa NPD ay binitbit ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Rape na inisyu ng Malabon City Regional Trial Court Brach 73, noong February 4, 2021 na walang inirekomendang piyansal.
Samantala, alas-12:40 ng tanghali nang damputin ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station (SS7) sa Frederick St., Brgy. Hulong Duhat ang mangingisda na si alyas “Ruel”, 41, sa bisa ng warrant of arrest para sa paglabag sa P.D 1602 na inisyu ng Malabon City RTC Branch 292 noong January 16, 2025.
Nang kapkapan, nakuha ng mga tauhan ni Col. Baybayan kay alyas Ruel ang isang improvised handgun (pen gun) na kargado ng isang bala ng caliber .38 kaya mahaharap siya sa isa pang kaso na paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Act) at BP 881 (Omnibus Election Code of the Philippines). (Richard Mesa)
-
Pinas, aangkat ng 21,060MT yellow, red onions para pigilan ang mataas na presyo
MAY GO SIGNAL na ang Department of Agriculture (DA) para sa importasyon o pag-angkat ng 21,060 metriko tonelada ng sibuyas para punan ang supply gap at pigilan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng kalakal sa pamilihan. Sa isang liham sa Bureau of Plant Industry (BPI)-licensed onion importers na may petsang Enero 6, […]
-
Marcos camp nagmatigas vs electoral protest decision: ‘Only the 2nd cause of action
Nagmatigas ang kampo ni dating Sen. Bongbong Marcos na tanggapin ang desisyon ng Supreme Court na nagbasura sa kanyang electoral protest laban kay Vice President Leni Robredo. Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, abogado ni Marcos, hindi pa tuluyang ibinabasura ng Korte Suprema, na umuupo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET), ang protesta ng natalong […]
-
Muling napansin ang husay sa pagganap sa ‘Pieta’: ALFRED, waging Best Actor sa ‘WuWei Taipei International Film Festival’
ISA na namang tagumpay ang nakamit ng ‘Pieta’ na pinagbibidahan nina Nora Aunor, Jaclyn Jose, Gina Alajar at Alfred Vargas, na mula sa direksyon ni Adolfo Alix Jr.. Si Alfred kasi ang itanghal na Best Actor sa katatapos na WuWei Taipei International Film Festival. Masayang ibinahagi ng actor-politician sa […]