• September 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

No. 9 crown pinakamahirap sa Cool Smashers

ITINUTURING ni Creamline star Michele Gumabao ang pagkopo sa korona ng 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference bilang pinaka mahirap.

 

 

Wala kasi sa Cool Smashers sina key players Alyssa Valdez, Tots Carlos at Alas Pilipinas members Jia De Guzman at Jema Galanza nang kunin nila ang pang-siyam na kampeonato.

 

“Mahirap siguro as compared to last season,” ani Gumabao. “Mas mahirap siguro ‘yung kabuuan na pinagdaanan talaga ng team this season kasi ang dami din talagang nawala.”

 

 

Inangkin ng Creamline ang PVL Reinforced Confe­rence title matapos walisin ang 25-15, 25-23, 25-17, sa kanilang ‘winner-take-all’ championship game sa harap ng 8,289 fans noong Miyerkules sa Philsports Arena sa Pasig City.

 

 

Ito ang ikatlong sunod na korona ng Cool Smashers matapos pagreynahan ang nakaraang 2023 Second All-Filipino at 2024 All-Filipino Conference.

 

 

“Napakita namin na Creamline is really teamwork talaga, hindi na ‘yung isang taong gumagalaw. Talaga ‘yung system talaga namin, that’s what I’m really happy naman that ‘yung system namin na-apply namin each and every game and kita naman ‘yung results buong season,” wika ng 32-anyos na si Gumabao.

 

 

Umiskor si Gumabao ng 10 points sa paggupo ng Creamline sa Akari habang may triple double na 19 points, 12 excellent digs at 13 excellent receptions si Bernadeth Pons.

 

 

Hinirang ang 27-anyos na si Pons bilang tournament Most Valuable Player.

Other News
  • Ads June 8, 2021

  • COVAX INAPRUBAHAN NA ANG $150-M PARA SA MGA MAHIHIRAP NA BANSA

    INAPRUBAHAN na ng GAVI vaccine alliance’s board ang $150 million na pondo para matulungan ang 92 na low and middle income na bansa sa paggawa ng bakuna laban sa coronavirus.   Ang inisyal na pondo ay para makatulong sa COVAX facility sa kanilang operational level at matiyak ang routine immuniza- tion programs sa mga karapat- […]

  • Ibinahagi ang nakaka-touch na video ng proposal: DOMINIC, nangakong magiging pahinga ni BEA sa mundong magulo at maingay

    NAG-PROPOSE nga si Dominic Roque sa girlfriend na si Bea Alonzo noong July 18 na naging talk of the town at nag-viral.     At sa kanyang Instagram post last Friday, July 21, isang araw after ng kanyang 33rd birthday, ibinahagi ni Dom ang heartwarming video ng kanyang proposal na may nakaka-touch na mensahe para […]