• December 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

No. 9 top most wanted person ng Valenzuela, arestado

HIMAS-REHAS ang isang lalaki na wanted sa kasong robbery matapos maaresto ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Valenzuela City.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., ang naarestong akusado na si alyas “Aerol”, 23 ng Francisco St., Brgy, Gen T De Leon na nasa No. 9 Top MWP ng Valenzuela City.

 

 

Sa ulat ni Col. Destura kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 2 na madalas umanong makita ang presensiya ng akusado sa Brgy. Lingunan.

 

 

Bumuo ng team si SS2 Commander P/Cpt. Selwyn Villanueva saka ikinasa nila ang intensified manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakaaresto kay Aerol dakong alas-12:10 ng medaling araw sa Meyland Village, Phase 5, Brgy. Lingunan.

 

 

Ani Cpt. Villanueva, inaresto nila ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Valenzuela City Regional Trial Court Branch 270 noong Nobyembre 16, 2023 para sa kasong Robbery na may nirekomendang piyansa na P100,000 para sa pansamantala niyang paglaya.

 

 

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela CPS habang hinihintay ang ilalabas na commitment order mula sa korte. (Richard Mesa)

Other News
  • PBBM: Pinas nahaharap sa ‘water crisis’

    INAMIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nahaharap ngayon ang Pilipinas sa krisis sa tubig kaya nilagdaan niya ang Executive Order (EO) na lilikha sa Office of the Water Management.     Sa talumpati ng Pangulo sa 6th Edition Water Phi­lippine Conference and Exposition sa SMX Convention Center sa Pasay City, sinabi nito na seryoso […]

  • SYLVIA, nangingibabaw ang pag-arte kaya kinatutuwaan ng netizens bukod kina ANDREA at FRANCINE

    FIRST few episodes pa lang Huwag Kang Mangamba sa pilot week nito na nagsimula noong March 22 ay pinuri na agad ng netizens ang inspirational drama series ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina Andrea Brillantes bilang Mira at Francine Diaz bilang Joy.     Sa pagsisimula pa lang ng serye, kitang-kita na talaga ang kahusayan nina […]

  • Hinamon ni Mayor John Rey Tiangco ang mga pinuno ng barangay sa Navotas City

    SA ginanap na Sustainable Management and Administration of Local Government through Reengineering and Use of Technology for Barangay Newly Elected Officials (SMART BNEO) Program 2023, hinamon ni Mayor John Rey Tiangco ang mga pinuno ng barangay sa Navotas City na laging hangarin ang kahusayan sa kanilang paglilingkod sa kanilang mga nasasakupan at lampasan pa ang inaasahan. (Richard […]