• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

No to peace talks, ubusin lahat ng CPP-NPA members sa bansa

ITO ANG pahayag ni Duterte Youth Party-List Rep. Drixie Mae Cardema kasabay ng kanyang paghahain ng panukalang batas 4324 o Act to Outlaw the Communist Party of the Philippines, New People’s Army, & National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) AND ALL ORGANIZATIONS supporting them in their Recruitment, Operations, Financial Transactions, and For Other Purposes.

 

 

Nakapaloob pa sa panukala na idelara ang CPP-NPA-NDF na bilang isang “organized conspiracy” para patalsikin ang gobyerno kaya dapat itong ideklara rin na illegal at ipagbawal .

 

 

Gayundin, sinabi pa ng mambabatas na hindi rin dapat makipag-usap ang gobyerno dahil sa pagiging terorista umano ng mga ito.

 

 

“No to Peace Talks with the CPP-NPA-NDF. They are a terrorist alliance and they recruit the Filipino Youth to become rebels against the Philippine Government. They are using different front organization to recruit our youth, we must catch these front organizations,” dagdag ni Cardema.

 

 

Sinabi pa ng mambabatas na dapat din hulihin at kasuhan ang mga nagbibigay pondo o nagbabayad ng buwis at “permits to campaign” sa kanila.

 

 

Umaasa ito na maibabalik ang Anti-Subversion Law na pinaniniwalaan niyang bubuwag sa CPP-NPA-NDF at sa lahat ng kanilang front organizations.

 

 

Kaugnay nito, sinabi naman ni Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel na sa pagtutulak na “ubusin lahat ng CPP-NPA”, ay isinusulong umano ng Duterte Youth, na siya umanong Philippine version ng Hitler Youth, ang pagkakaroon ng karahasan at pagpaslang sa libong inosenteng pinoy kabilang na ang mga community leaders, celebrities, athletes, government officials, organizations, businesses, churches at institutions na naging biktima umano ng redtagging. (Ara Romero)

Other News
  • ‘Bagong Friendster’, ginagamit para sa phishing- DICT

    MALAKI ang posibilidad na ang bagong  Friendster ay ginagamit para sa phishing. Sa isang advisory, sinabi ng National Computer Emergency Response Team (DICT-NCERT) ng Department of Information and Communication Technology na makikita sa initial investigation na ang IP address na nagho-host ng bagong  Friendster ay natuklasan na mayroong “ previous reports about phishing, brute force […]

  • TRAFFIC RE-ROUTING SA KAPISTAHAN NG STO NINO SA TONDO

    NAGLABAS  na ng abiso ang Manila Traffic Enforcement Unit (TEU)  sa mga motorista na umiwas sa mga lugar na sa Tondo, Maynila dahil sa gagawing kapistahan ng Sto.Nino de Tondo sa Enero 17 . Sa inilabas na traffic advisory, mula alas-3:00  ng madaling araw ng Enero 17 ,pinayuhan ng MTEU ang mga motorista mula sa […]

  • Natakot din sa kalalabasan ng test results: LUIS, na-clear na sa sakit na cancer

    NA-CLEAR na sa sakit na cancer si Luis Manzano.       Pagkatapos na napansin ng hairstylist ni Luis na may bukol ito sa ulo, agad na nagpakonsulta at sumailalim sa biopsy ang TV host.       “May kailangan i-biopsy dito sa taas ng ulo ko. Parang ang biopsy kung ‘di ako nagkakamali ay […]