NO VACCINE, NO MGCQ policy ni PDu30
- Published on February 24, 2021
- by @peoplesbalita
NAGBIGAY na ng kanyang direktiba si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang gabinete na hindi niya isasailalim ang buong Pilipinas sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) maliban na lamang kung magsimula nang mag-rollout ang bakuna.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kinikilala ng Chief Executive ang kahalagahan ng muling pagbubukas ng ekonomiya at epekto nito sa kabuhayan ng mga Filipino.
Magkagayon pa man, mas binigyan ng Pangulo ng “higher premium” ang public health at kaligtasan.
Sa kabilang dako, nais ni Pangulong Duterte na magsimula na ang pagbabakuna “as soonest possible time” upang mapaluwag na ang community quarantine sa bansa.
Sa ulat, mas nakakaraming Metro Manila mayors ang pabor na sa pagsailalim sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) sa Marso.
Ito ang inihayag ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na nagsabing sa ginanap na pulong kamakalawa, siyam sa mga NCR mayors ang bumoto sa MGCQ, habang walo naman ang pabor sa General Community Quarantine (GCQ) .
Nabatid na sa MGCQ at GCQ tanging nasa edad 15 – 65 lamang ang pinapayagang lumabas ng bahay.
Ang resulta ng botohan ang isusumite sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF), na irerekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Tiangco na ipinaliwanag ng mga economic managers ang pagpapatupad ng MGCQ upang makabawi ang ekonomiya ng bansa dulot ng pandemya ng COVID-19.
Gayunman, tutol ang MM mayors sa panukala ng National Economic and Development Authority (NEDA) na payagan na ang mga indibidwal na nagkakaedad ng mula lima hanggang 70-taong gulang na makalabas ng kani-kanilang mga tahanan.
Ayon kay Marikina Mayor Marcelino Teodoro, walang nakikitang pangangailangan ang mga alkalde sa National Capital Region (NCR) na payagan na ang mga taong nasa naturang age range na lumabas ng kani-kanilang mga tahanan, dahil maaari aniyang maging ‘super spreaders’ sila ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
“Sa kabuuan, ang mga mayor ayaw talagang ibaba sa limang taon hanggang 70 taong gulang dahil wala naman talagang nakikitang pangangailangan at baka maging super spreader pa ‘yung mga ganitong edad,” aniya. (Daris Jose)
-
Ibabahagi sa mga fans ang kanyang 35 taong paglalakbay: ICE, sobrang excited sa first major solo concert after ten years
SA nakalipas na 35 taon ay nasubaybayan ng buong bansa ang buhay ni Aiza Seguerra na kilala ngayong Ice Seguerra na isang icon ng pelikula at telebisyon, child star wonder, certified OPM hitmaker, at ngayon ay live events at TV director na rin. Ang kanyang paglalakbay ang nagdala sa kanya sa pagdiskubre hindi lamang ng […]
-
First four official entries ng MMFF 2022, inilabas na: VICE at COCO, muling magtatapat sa takilya at lalaban din si IAN at TONI
SA Christmas season, tiyak na ‘Balik Saya’ na naman ang 48th Metro Manila Film Festival (MMFF) na kung saan inilabas na ang first 4 official entries. Kinabibilangan ng first 4 MMFF 2022 official entries na base sa script submission: 1. LABYU WITH AN ACCENT (ABS-CBN Productions, Inc) Director: Rodel P. Nacianceno, Writer: […]
-
29 PULIS NA SANGKOT SA 990 KILOS NG SHABU, MAY HDO
HINDI na maaaring makalabas ng bansa ang 29 na pulis na isinangkot sa nasabat na 990 kilos ng shabu na nagkakahalagang P6.7B, Tondo Manila nuong 2022 makaraaang maglabas ng hold departure order o HDO ang Bureau of Immigration (BI) . Ito ay matapos katigan ng BI ang inihaing motion for issuance of hold departure order […]