• December 6, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

“No Vaccine, No Work Policy”, hindi ipipilit

WALANG balak ang Malakanyang na ipagpilitan sa publiko ang “No Vaccine, No Work Policy” na una nang inilutang ng ilang mga kumpanya.

 

Sinabi ni Cabinet Secretary Carlo Alexei Nograles sa ginanap na 53rd cabinet meeting nila na sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi nila ipipilit ang nasabing polisiya pero nananawagan ang pamahalaan sa publiko na‘wag nang magpatumpik tumpik pa o mag-alinlangan sa mga bakuna dahil hindi naman ito ibibigay kung hindi napatunayang ligtas at epektibo.

 

Sa kabilang dako, naniniwala naman si Cabsec Nograles na tumataas na ang kumpyansa ng publiko sa bakuna.

 

Maliban  sa mga medical health workers tulad ng mga nurse at doktor maging ang ilang matataas na opisyal ng pamahalaan ang naunang mabakunahan ay wala namang major adverse effect ang naitala.

 

Samantala, umaapela si CabSec Nograles sa publiko na sa oras na dumating na ang kanilang panahon para magpabakuna ay buong puso nila itong tanggapin upang magkaroon ng proteksyon mula sa Covid-19. (Daris Jose)

Other News
  • Magpiprisinta na makatrabaho ang aktor: BEAUTY, kayang kabugin ang mga mapangahas na eksena nina ALDEN at JULIA

    SI Alden Richards pala ang gustong makatrabaho ni Beauty Gonzalez sa next project niya sa GMA. Sa mediacon ng ‘Stolen Life’ ng GMA ay natanong si Beauty kung sino pa ang gusto niyang makatrabaho na artista. “Madami, madami talaga,” pakli ni Beauty. “Well, I really wanna work with a lot of… ang hirap i-explain, e. […]

  • Inuulan din sila ng suwerte sa negosyo: GLADYS, dapat kainggitan dahil puwedeng mag-work kahit saang network

    PINABULAANAN ng TAPE Inc. na hanggang katapusan ng July ang Eat Bulaga.     Kumalat ang balita online pagkatapos na makakuha ng mababang rating ang Eat Bulaga noong  July 1 when “It’s Showtime” and “E. A. T.” premiered on GTV and TV5 respectively.     Pero sa latest ratings report, the viewership of Eat Bulaga […]

  • Hidilyn Diaz mangunguna sa weighlifting team ng bansa para sa SEA Games

    PANGUNGUNAHAN ni Tokyo Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ang 13-member weightlifting team na sasabak sa Vietnam Southeast Asian (SEA) Games.     Makakasama nito sina Fernando Agad Jr ng men’s 55 kg, Rowel Garcia ng men’s 61 kgs, Nestor Colonia ng men’s 67 kg, Lemon Denmark Tarro ng men’s 73 kgs, John Kevin Padullo ng […]