• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

“No walk-in policy” sa mga COVID-19 vaccination sites – Usec. Malaya

NAGKAISA ang mga Alkalde ng Kalakhang Maynila na magpatupad ng “no walk-in policy” sa mga COVID-19 vaccination sites habang nasa ilalim ang rehiyon sa two-week lockdown para mapigilan ang pagkalat ng nakahahawang Delta variant.

 

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Interior Undersecretary and Spokesperson Jonathan Malaya na ang pinakahuling polisiya ay napagkasunduan ng Metro Manila Mayors at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

 

“The LGUs (local government units) will strictly enforce the no walk-in policy during the lockdown to prevent people from swarming vaccination sites, which could cause a superspreader event,” ayon kay Malaya.

 

Aniya, tanging ang may confirmed appointments lamang ang ia-accommodate sa mga vaccination centers.

 

Ang Metro Manila ay isinailalim sa enhanced community quarantine — itnuturing na strictest level ng COVID-19 curbs , araw ng Biyernes. Tatagal ito ng dalawang linggo.

 

Inaasahan naman na makakapagbakuna ng 250,000 COVID-19 shots araw-araw sa panahon ng ECQ.  (Daris Jose)

Other News
  • PDu30, nanawagan ng mas malalim na pagkakaisa kontra Covid- 19

    NANAWAGAN si Pangulong  Rodrigo Roa Duterte ng mas malalim na pagkakaisa ng lahat ng bansa para labanan ang coronavirus disease 2019 (Covid-19) habang patuloy naman na hinaharap ang banta ng terorismo.   Ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte ay bahagi ng kanyang naging talumpati sa  2020 Aqaba Process Virtual Meeting on Covid-19 Response na […]

  • Pangangaroling bawal sa Valenzuela

    IPINAGBABAWAL muna sa sinumang indibidwal o grupo na magsagawa ng pisikal na pangangaroling sa Valenzuela City simula Disyembre 1 hanggang Enero 2, 2021, alinsunod sa Ordinace No. 824 Series of 2002.   Ayon kay Mayor Rex Gatchalian, ito’y bilang bahagi pa rin ng patuloy na pag-iingat sa COVID-19 habang pinapayagan naman aniya ang pangangaroling na […]

  • Pinas, pag-aaralan ang COVID-19 vaccination para sa mga kabataang 5 taon pababa

    PAG-AARALAN ng Pilipinas ang posibleng pagbabakuna sa mga kabataan na 5 taon pababa  laban sa  COVID-19.     “Aaralin nang husto. Depends sa studies abroad and if may vaccines although some include below 5 years old. We will see sino may EUA (emergency use authorization) at ano ire-recommend ng HTAC (Health Technology Assessment Council),” ayon […]