• July 17, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NOEL, hawak pa rin ang youngest Hall of Famer ng ‘Aliw Awards Foundation’; bida na sa ‘Nina Nino’ kasama si MAJA

BIDA na sa isang primetime TV show ang former child actor na si Noel Comia, Jr.

 

 

Silang dalawang ni Maja Salvador ang lead stars ng Nina Nino na nag-premiere sa TV 5 last Monday, part ito ng Toda Max Primetime after ng Sing Galing at bago mag FPJ’s Ang Probinsyano.

 

 

First time ni Noel na magbida sa isang TV series.

 

 

“It feels exhilarating to have a lead role in a prime-time TV program. It’s another path that I’ve always dreamt of but never thought that I’d be able to experience this soon. To be honest, I feel kind of nervous as well–it’s so different from what I’ve been used to doing before,” pahayag ng Inglesong bagets na Grade 10 student sa OB Montessori Greenhills.

 

 

Ang Nina Nino ay kwento ng dalawang magkapatid na kailangang maging con-artists para mabuhay, at para makagawa ng paraan na mahanap ang nawawala nilang lola. Kinailangan nilang tumakas sa kanilang bayan sa Consolacion at napunta sila sa Sta. Inez, isang liblib na lugar, kung saan maraming interesting people silang nakasalamuha. May pagbabago rin naganap sa kanilang buhay.

 

 

Si Noel ang pinili ng director na si Thop Nazareno dahil alam na nito ang range nito as an actor.

 

 

“Si Nino is a loving, helpful and empathic teenager. Mahal niya ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang lola Belen at Ate Nina. Habang tumatakbo ang kwento ay marami pang madidiskibre si Nino sa kanyang pagkatao,” kwento ng bagets who is turning 17 this May.

 

 

Yung kwento raw ang nagustuhan niya kaya tinanggap niya ang role sa series. He considers himself a caring and loving person. Nakadepende rin siya sa kanyang pamilya kaya in a way ay similar sila ng traits ng character na kanyang ginagampanan.

 

 

“Ang kaibahan lang naming ay walang proper parenting si Nino at saka nakakagamot siya ng tao, na hindi ko nagagawa, at least right now.”

 

 

Kumusta naman katrabaho si Maja, na gumaganap na Ate Nina mo?

 

 

“Ate Maja is a very giving actress. Sa tuwing may eksena ako sa kanya, I feel relaxed and confident kasi she makes me feel na madali lang ‘yung ginagawa naming. She’s an amazing actress,” pahayag pa ni Noel.

 

 

Marami raw silang kulitan at kantahan moments ni Maja sa set. At lagi raw silang binubusog ni Maja.

 

 

“Happy and enjoyable ang set namin.”

 

 

Ayon pa kay Noel, ang Nina Nino ay isang programa na magbibigay ng pag-asa, saya at aliw sa mga tao ngayong panahon na parang hindi tayo tiyak sa kung ano ang mangyayari sa atin.

 

 

Feel good series daw ito na walang masyadong madramang mga eksena. Sana raw ay magsilbing inspirasyon ang kanilang programa sa mga tao.

 

 

Sana raw, thru Nina Nino, ay malaman natin ang kahalagahan ng pagpapatawad at healing, hindi lang ng ating katawan kundi pati an gating puso at kaluluwa.

 

 

Si Noel ang youngest best actor winner sa Cinemalaya when he won for Kiko Boksingero. Siya rin ang youngest winner sa Urduja Film Festival noong 2018.

 

 

Siya rin ang pinakabatang Hall of Famer ng Aliw Awards Foundation sa kategoryang Best Child Performer. (RICKY CALDERON)