Nograles, anti-hunger partners, naghatid ng tulong-pagkain sa Marawi
- Published on March 5, 2021
- by @peoplesbalita
Si Cabinet Secretary Karlo Nograles, kasama ang mga private sector partners mula sa Pilipinas Kontra Gutom at Rise Against Hunger, ay namahagi ng mga libreng food packs sa mga residente ng Marawi City at Lanao del Sur noong Martes, Marso 2, 2021 bilang bahagi ng pagsisikap ng administrasyong Duterte sa buong bansa na labanan ang kagutuman at tapusin ang kahirapan at child malnutrition.
Ang Lanao del Sur ay kabilang sa 32 priority provinces na napapabilang sa Zero Hunger Task Force na pinamumunuan ni Nograles.
Ang Pilipinas Kontra Gutom (PKG) at Rise Against Hunger (RAH) ay parehong binubuo ng mga indibidwal at samahan mula sa pribadong sektor. Kanilang ibinubuhos ang buong suporta sa kampanya ng gobyerno na magbigay ng masustansyang pagkain at kaugnay na tulong sa mga nangangailangang pamilya sa buong bansa.
Mahigit 3,000 mga indibidwal ang nakatanggap ng free hot meals mula sa Ronald McDonald House Charities (RMHC). At meron pang 300 katao na tumanggap ng food packages sa Rise Against Hunger.
“Pinalala ng Covid-19 ang pangangailangang matugunan ang kagutuman at kahirapan, kaya’t umiiral ang ating national food caravan upang malunasan ang sitwasyon sa pamamagitan ng malapit na pakikipagkatuwang sa pagitan ng gobyerno at pribadong sektor,” pahayag ni Nograles.
Ang initial batch ng 2,100 food packages ay itinurn-over kay Marawi City Mayor Majul Gandamra, Chief-of-Staff Mic Gandamra-Taib, City Administrator Sultan Camid Gandamra, Sr., city government officials at staff.
Ang Malacañang official ay nagtungo rin sa Lanao del Sur Provincial Capitol at nagbigay ng 1,065 hot meals at 300 food packs kay Gobernador Mamintal Adiong, Jr., Deputy Speaker Zia Alonto Adiong, provincial government officials at capitol employees.
Naging katuwang ni Nograles sa pagbisita sina Marie Angeles, RMHC Executive Director; Fe Gerona, Managing Director, World Wide Gourmet. Inc.; Ronald Atanacio, McDonald’s Public Affairs Manager; Elmer Delen, RMHC Programs Assistant at Jomar Fleras, RAH Executive Director.
Ang libreng hot meals, na naglalaman ng crispy chicken fillet, rice at bottled water, ay inihanda ng McDonald’s Kindness Kitchen at naging posible sa pamamagitan ng pagtutlungan ng RMHC, Metrobank, Coca-Cola Philippines, Dole Philippines, San Miguel Corporation at McDonald’s Philippines.
“Mag-iikot kami sa bansa kasama ang PKG at RAH hindi lamang upang magdala ng pagkain at pag-asa sa mga lokal na residente. Pinapatatag din namin ang ating network of cooperation sa mga LGUs at naiugnay ang mga ito sa pribadong sektor upang malabanan natin ang kagutuman, lalo na ang pagsaalang-alang sa ating mga anak. Kailangan natin magtulungan. This advocacy is gaining momentum momentum at hindi kami titigil hanggang sa makagawa tayo ng positibong pagkakaiba sa buhay ng ating mga kababayan, ” diin ng dating mambabatas ng Davao. (Daris Jose)
-
PBBM, umaasa na makadadalo sa climate change conference sa Dubai
UMAASA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makadadalo sa 2023 United Nations Climate Change Conference sa Dubai sa Disyembre ngayong taon. “I hope we will be able to attend because climate change is a primordial issue,” ayon kay Pangulong Marcos. Si UAE Ambassador Extraordinary at Plenipotentiary Mohamed Obaid Salem Alqataam Alzaabi […]
-
Sa pagdiriwang ng ‘National Children’s Month’: Sen. IMEE, tatalakayin ang iba’t-ibang isyu kasama ang mga kabataan
SISIMULAN ni Senator Imee Marcos ang kanyang birthday month sa isang espesyal na vlog entry na ipinagdiriwang ang ‘National Children’s Month’ ngayong Nobyembre Ipalalabas ito sa kanyang official YouTube channel ngayong Sabado, Nobyembre 5 at makakasama ng senadora ang isang grupo ng mga kabataan sa isang intimate at masayang bonding session na talaga namang […]
-
1 Peter 5:7
Cast all your cares on the Lord for he cares for you.