• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nominasyon sa PH Sports Hall of Fame, simula na

MAY tsansa ang lahat ng mga Pilipino maipakita ang suporta sa kanilang mga iniidolo sa sports sa pagsumite ng kanilang nominasyon para maipakita at maisama sa kasaysayan ang kanilang iniambag na kabayanihan sa taong 1924 hanggang 1994 sa sunod na tatlong buwan simula nitong Marso 1.

 

Binuksan na nang Philippine Sports Hall of Fame (PSHOF) Review and Evaluation Committee ang proseso para sa nominasyon, ang unang parte ng pilian sa mga pambansang atleta na posibleng makasali sa ikaapat na batch ng iluluklok sa Sports Hall of Fame ng bansa bago matapos ang taon.

 

Nasa Republic Act No. 8757 o ang PSHOF Act, na bukas ang nominasyon para sa mga dating amateur at professional athlete at coach/trainer na nagbigay ng malaking distinksiyon, dangal at karangalan sa bansa sa kanilang piniling sport.

 

Ang 2020 selection committee, na pinamumunuan ni Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez, na sinundan ang mga nakaraang komite na magbigay lang ng kabuuang 10 inductee kada dalawang taon.
Napagkaisahan sa unang miting ng selection committee na itakda ang pagsisimula ng nominasyon sa Marso 1 at matatapos sa Mayo 31.

 

“We recognize the valuable knowledge of our sports chroniclers when it comes to this, so we will ask for their help,” sabi ng sports agency chief sa miting. (REC)

Other News
  • Pilipinas, makikinabang sa bakunang dine-develop ng United Kingdom na posibleng malikha sa katapusan ng taon

    TINIYAK ng United Kingdom na nakahanda silang maglaan ng kanilang dine- develop na bakuna sa COVID 19 para sa Pilipinas.   Ito ang inihayag ni Philippine Ambassador to United Kingdom Antonio Lagdameo sa gitna ng aniyay magandang itinatakbo sa progreso ng pagtuklas ng UK ng COVID vaccine.   Ayon kay Ambassador Lagdameo, may binitiwan ng […]

  • Duterte, nagbabala na maghihigpit kung patuloy ang pagbalewala sa health protocols

    Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na magpapatupad ng paghihigpit sakaling patuloy na binabalewala ng mga tao ang mga ipinapatupad na health protocols.     Sa kanyang address to the nation nitong Lunes ng gabi, sinabi ng pangulo na mangyayari ang nasabing hakbang sakaling dumami ang bilang ng mga lumalabag sa itinakdang panuntunan ng Inter-Agency Task […]

  • DOH, naghahanap pa ng karagdagang pondo para sa mga health workers ng bansa

    NAGHAHANAP  pa ng karagdagang pondo ang Department of Health para sa healthcare workers benefits ng bansa.     Ayon kay Department of Health Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire, magkakaroon sila ng pagpupulong kasama ang Department of Budget and Management upang ma identify ang ilan pang source of fund para mapunan ang kulang na budget sa healthcare […]