Non-Japanese athletes, ‘di muna sasali sa Olympic test event – organizers
- Published on February 22, 2020
- by @peoplesbalita
NAGDESISYON ang mga organizers ng 2020 Tokyo Olympics na huwag munang palahukin sa isa sa mga nalalapit nang test event ang mga atletang hindi Hapon dahil pa rin sa isyu ng coronavirus disease (COVID-19).
Magbubukas na kasi sa Pebrero 28 ang dalawang araw na test event sa Ariake Arena kung saan tampok ang Paralympic sport na boccia na isang uri ng precision ball sport.
Ito ang una sa 19 pang mga test events bago ang pagsisimula ng Olympics sa Hulyo 24.
Ayon kay Tokyo spokesman Masa Takaya, tuloy na tuloy pa rin ang iba pang mga test events kahit na magpapatupad sila ng iba pang mga pagbabago.
“We still don’t which athletes are competing,” wika ni Takaya. “When it”s the most appropriate time, we will release the participants information.”
Una nang nanidigan ang International Olympic Committee at mga local organizers na walang balak na ipagpaliban o ikansela ang Olympiyada, na huling nangyari noong panahon pa ng digmaan.
-
ANGEL, pinaliwanag na ‘di ganun kadali ang pinagdaraanang journey para pumayat; looking forward sa kanyang maa-achieve
MAY mahabang paliwanag si Angel Locsin tungkol sa huling post na nag-viral dahil sa mga photos na ibinahagi na parang bigla-bigla siyang pumayat. Nagtalo-talo tuloy ang netizens, kung edited ba ang kanyang pinost at may nagsabi na nasa tamang anggulo lang ‘yun. Pero totoo naman na malaki na talaga ang ipinayat […]
-
Halos 10-K na pulis ipapakalat sa NCR
Nasa kabuuang 9,634 police personnel ang ipapakalat at ang pagtatalaga ng nasa 373 checkpoints sa ibat ibang strategic areas dito sa Metro Manila ang ipatutupad ng PNP kasunod ng implementasyon ng uniform curfew hours epektibo simula March 15,2021. Ayon kay PNP OIC Lt Gen. Guillermo Eleazar may mga police augmentation forces din ang ide-deploy mula […]
-
Manny “Pacman Pacquiao wagi via Unanimous decision sa exhibition match laban kay DK Yoo ng South Korea
Nagwagi ang Pambansang Kamao na si Manny Pacman Pacquiao, sa exhibition game sa pamamagitan ng Unanimous decision. Nilabanan ni Pacman si DK Yoo na pambato ng South Korea at naganap nga ito sa Goyang, sa Seoul. Una rito, naging mainit ang laban nang dalawa at dalawang beses nga napabagsak ng Pambangsang […]