• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Non-showbiz girlfriend, ayaw pag-usapan: DAVE, isa rin sa mga hunk actors na pinagpapantasyahan

ISA rin si Dave Bornea sa mga hunk actors ng GMA na pinagpapantasyahan sa Instagram, ano ang mensahe niya sa mga nagpapantasya sa kanya?

 

 

“Ano lang, gawin niyo lang akong inspirasyon, yun lang naman talaga yung purpose ko e, makapagbigay lang ng inspirasyon sa mga taong nanonood sa akin, e.

 

 

“Iyon lang, sana mahawahan kayo ng enerhiya ko, alam mo yun, to inspire you na gawin din yung lifestyle ko, doing some good stuff tsaka the intention is to give some good vibes sa kapwa lang din, gawin niyo rin yun.”

 

 

May girlfriend si Dave ngayon.

 

 

“Opo meron, non-showbiz, pero mas gusto ko siyang private, pero pag may tinatanong naman sa akin I would say yes, but I just don’t wanna talk about it, kasi mas gusto kong may privacy, e.”

 

 

Mas okay ba na non-showbiz ang girlfriend?

 

 

“Depende, depende din sa tao yun eh, depende din yun sa connection sa inyong dalawa, hindi naman ako nagbabase dun kung mahirap ba or ano, sa akin lang yung connection lang ng tao, that’s it.”

 

 

Huling napanood si Dave sa ‘Apoy Sa Langit’ noong May 2022 at muli siyang mapapanood sa ‘Mga Lihim Ni Urduja’ na kung saan mapapasabak siya sa mga maaksyon na eksena.

 

 

Samantala, malaking break para kay Dave ang pagkakasama sa ‘Oras De Peligro’. Ipalalabas ito sa mga sinehan sa March 1 at sa direksyon ni Joel Lamangan, at katapat nito ang ‘Martyr Or Murderer’.

 

 

Hiningan namin si Dave ng reaksyon tungkol dito.

 

 

“Actually, wala po ako talagang idea e, outdated nga ako sa mga nangyayari kasi medyo lay-low muna ako sa social media, so more on nag-a-upload lang ako, pero outdated ako sa mga nangyayari sa social media.

 

 

“Kung meron mang ganun, if they produced that movie, e di good for them, ganun, basta sa amin this film is our truth, so iyon.”

 

 

Kuwento naman niya tungkol sa movie, “Ako po dito si Jimmy, anak nina Beatrice (Cherry Pie Picache) tsaka ni Dario (Allen Dizon), kami yung pamilya na naka-experience ng police power tripping.”

 

 

Ito so far masasabi ni Dave na pinakamabigat na role sa buo niyang acting career.

 

 

Kamusta naman working with Cherry Pie?

 

 

“Sobrang ano po, sobrang magaan, sobrang jolly, sobrang nakakatuwa.”

 

 

Hindi siya nahirapan sa mga eksena nila ng beteranang aktres?

 

 

“Nung una medyo na-intimidate ako, kasi nga it’s my first time working with her, pero iyon nga, hindi ko naramdaman sa kanya na kailangan akong ma-intimidate, kasi nga sobrang open niya. I mean, feel na feel ko na nanay ko talaga siya.”

 

 

Si Allen ay isa ring magaling na aktor.

 

 

“Opo, pero sa eksena kasi na ‘to medyo hindi kami gaanong nagka-eksena ni kuya Allen, kasi nga sa simula pa lang di ba…ayokong mag-spoil,” ang natatawang pambibitin ni Dave.

 

 

Bukod kina Dave, Allen at Cherry Pie ay nasa cast rin ng ‘Oras De Peligro’ sina Therese Malvar, Allan Paule, Mae Paner, Timothy Castillo, Alvi Siongco, Crysten Dizon, Jim Pebanco, Nanding Josef, Apollo Abraham, Marcus Madrigal, Rico Barrera, Elora Espano at Gerald Santos.

 

 

Mula ito sa Bagong Siklab Productions ni Atty. Howard Calleja, sa panulat nina Bonifacio Ilagan at Eric Ramos.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Matagal na pinaghahandaan ang bawat role: CARLA, pinuri sa istilo sa pagmi-memorize ng mga linya

    PINURI at kinagliwan ng netizens si Carla Abellana dahil sa kanyang Instagram post na kung saan pinakita niya kung paano pinaghahandaan ang isang role sa movie man o sa teleserye.   Makikita nga sa photo na ibinahagi ng Kapuso actress ang pagsusulat niya sa mga Manila papers na nasa floor at meron din nakadikit sa […]

  • Makakasama muli sina Vic, Sylvia at Martin: ICE, kinakabahan pa rin kapag may big concert

    MADAMDAMIN ang last taping day ni Dennis Trillo para sa hit serye na Maria Clara At Ibarra.   Gumanap siya sa serye bilang Crisostomo Ibarra sa unang bahagi ng serye, kung saan inilahad ang kuwento ng nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere. Nang tumawid ito sa kuwento ng ikalawang nobela ni Rizal na El Filibusterismo, agad […]

  • NEW VIGNETTE FOR “I WANNA DANCE WITH SOMEBODY” CELEBRATES WHITNEY

    “THE most challenging part of portraying Whitney Houston is…portraying Whitney Houston,” says Naomi Ackie, star of Columbia Pictures’ I Wanna Dance with Somebody.       Check out the new vignette below titled “Celebrating Whitney Houston” and watch I Wanna Dance with Somebody exclusively in cinemas across the Philippines January 08, 2023.     YouTube: https://youtu.be/yR5SZtD1hrY     About I […]