NORA, kinilala ng ‘Komisyon sa Wikang Filipino’ ang kontribusyon sa mga pelikulang Pinoy
- Published on November 12, 2021
- by @peoplesbalita
PATULOY sa pagtanggap ng awards ang ating mahal na Superstar na si Ms. Nora Aunor.
Kinilala ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang kontribusyon ni Nora Aunor sa mga pelikulang Pinoy at pinarangalan ito bilang Kampeon ng Wika para sa taong 2021 ngayong Martes.
“Masaya po akong tinatanggap ang karangalang ito bilang Kampeon ng Wikang Filipino sa taong ito ng Komisyon sa Wikang Filipino. Bagama’t isang Bikolana, naniniwala akong kailangan pa nating palakasin at pasiglahin ang wikang nagbibigay sa atin, at natutuwa akong makita ng KWF ang munti kong kontribusyon sa pamamagitan ng aking mga awit at pelikula,” saad sa pinadalang mensahe ni Nora.
“Ipinapangako ko pong magpapatuloy ang inyong lingkod sa pagsusulong ng ating mga wika sa Pilipinas. At sa mga magulang, sana po patuloy ninyong turuan na mahalin ng ating kabataan ang ating sariling wika,” dugtong pa ng batikang aktres.
Bukod sa aktres, tumanggap din ng parehong parangal ang organisasyong Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino.
Ang Kampeon ng Wika ay taunang iginagawad ng KWF sa mga indibidwal, institusyon, o organisasyon na aktibo sa pagpapalaganap at pagpepreserba ng wikang Filipino at iba pang dayalekto sa Pilipinas sa kanilang industriyang kinapapalooban.
***
DALAWANG malaking showbiz event ang naganap last Tuesday, November 9.
Winelcome ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment si Megastar Sharon Cuneta bilang guest star sa FPJ’s Ang Probinsyano.
Over at the Kapuso network, pumirma naman ng kontrata sa GMA 7 ang award-winning actor at dating Kapamilya na si John Lloyd Cruz para sa isang sitcom na kanyang gagawin.
First time ni Lloydie na gagawa ng show sa GMA dahil ever since ay ABS-CBN contract star ang binata. Bagets pa si Lloydie when he did Tabing-Ilog for the Kapamilya and later on was paired with Bea Alonzo sa mga TV shows at movies.
Unang sabak naman ni Sharon sa teleserye ang pagpasok niya sa action-drama show ni Coco Martin which is celebrating its 6th anniversary. Ang pag-guest ni Sharon sa teleserye ay katuparan ng pangarap ng mga Sharonians at maging ng Megastar na finally ay maging bahagi siya ng isang teleserye.
She couldn’t have made a better choice than be part of FPJ’sAP dahil ito ay isa sa pinaka-popular na programa sa ABS-CBN.
Kahit na walang franchise sa ngayon ang network at nag-migrate sila sa online platform, patuloy na mataas ang viewership ng programa ni Coco.
Tiyak na mas lalong darami ang manonood sa FPJAP dahil for sure ay tututukan ito ng mga Sharonians who are delighted na gagawa na rin ng teleserye ang kanilang Mega idol.
Since matagal na rin naman walang TV show si Lloydie, much-awaited din ang kanyang acting comeback sa GMA via a sitcom.
(RICKY CALDERON)
-
Grade-12 student kulong sa marijuana sa Valenzuela
KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang estudyante matapos mabisto ang dalang iligal na droga makaraang masita ng mga pulis sa Oplan Sita dahil naka-tsinelas habang nagmamaneho ng motorsiklo na labag sa umiiral na ordinansa sa Valenzuela City. Mahaharap sa kasong paglabag sa Art. 148 (Direct Assault) of RPC at Comprehensove Dangerous Drug Act of […]
-
Terence Crawford, looking forward pa rin na makaharap si Pacquiao
Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si reigning WBO world welterweight champion Terence Crawford na makaharap si Pinoy boxing champion Manny Pacquiao. Sinabi nito ng kung hindi lamang sa naranasang coronavirus pandemic ay natapos na ang kontrata. Sakaling hindi aniya siya mapili ng fighting senator ay handa itong harapin ang sinumang nasa 147 […]
-
COMELEC, maghihintay ng abiso sa Kongreso sa kung paano mapupunan ang mababakanteng puwesto ni Cavite Congressman Boying Remulla na
HIHINTAYIN muna ng Commission on Elections (Comelec) ang pagdedeklara ng Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa vacancy sa puwesto ni Cavite Congressman Crispin “Boying” Remulla. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni COMELEC Commissioner George Garcia na dalawang opsyon ang nakikita nila para mapunan ang maiiwang congressional seat ni Remulla kasunod ng pagtanggap […]