• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NORA, kuhang-kuha ang aura ng isang kontrabida na tulad ni Bella Flores

IMPRESSED kami sa mga photos ni Ms. Nora Aunor posted sa Facebook na sa palagay namin ay para sa promo ng Kontrabida, ang bagong movie ng Superstar from Godfather Productions.

 

 

Ibang-iba ang dating ni Ate Guy sa mga larawan. Kuhang-kuha ang aura ng isang kontrabida.

 

 

May isang photo na sa biglang tingin ay parang siya si Bella Flores, one of the finest kontrabida of her time.

 

 

Halatang pinag-isipan at pinaghandaan ang pictorial ni Ate Guy kasi iba ang kanyang dating. Sa mga photos pa lang ni Ate Guy ay nanaisin mo nang mapanood ang pelikula.

 

 

Si Adolf Alix, Jr, ang director ni Ate Guy sa movie. Mukhang isang matinding obra ang hatid nila.

 

 

***

 

 

BIDA si Pokwang sa Mother’s Day presentation ng Regal Entertainment titled Mommy Issues.

 

 

Masaya ang zoom presscon ng pelikula noong Thursday na napanood sa Facebook page ng Regal. Kasama rin sa movie sina Sue Ramirez, Jerome Ponce, Ryan Bang at Ms. Gloria Diaz.

 

 

Ang movie ay dinirek ni Jose Javier Reyes.

 

 

Ayon kay Pokwang, sobrang nag-enjoy siya sa role niya sa movie dahil may lovelife silang dalawa ni Ryan Bang.

 

 

Marami raw silang kulitan at sweet moments nito kaya mas lalo siyang nag-enjoysa shoot kahit na they were doing it during the lockdown.

 

 

Ibinahagi rin niya na nagkaroon siya ng anxiety when lockdown was first imposed year.

 

 

“Siyempre maraming nawalan ng trabaho, kasama na ako roon. Tapos nandoon yung nakakulong ka lang sa bahay mula umaga hanggang gabi,” wika ng komedyana.

 

 

“Kawawa naman ang mga anak ko, Nakakulong lang sila sa bahay. Paano na sila? Pero alam ko naman na precaution iyon para di tayo mahawa kaya lang mahirap ang sitwasyon na iyon di ba?”

 

 

Para makabawi sa anxiety, naisipan ni Pokwang na gamitin ang husay niya sa pagluluto. Cook siya ng food to keep her busy and her mind occupied. Maganda naman ang effect nito dahil kumita siya sa mga niluluto niya at nakapagbigay pa siya ng trabaho sa mga tao.

 

 

“I fought my anxiety sa pamamagitan nang pagluluto at maganda naman ang ibinunga nito dahil additional income din ito for me and my family.”

 

 

Bilang isang nanay, sabi ni Pokwang ay enjoy siya sa company ng kanyang mga anak.

 

 

“I am blessed with beautiful children. Natutuwa ako kasi clingy sila sa akin. Malalambing sila. Siyempre masarap ang pakiramdam na nilalambing ka ng mga anak mo at nalalambing mo rin sila in return.”

 

 

Sabi rin niya na naniniwala siyang ginagabayan siya ng kanyang ina from heaven kaya masuwerte pa rin siya sa kanyang career.

 

 

Mommy Issues will stream worldwide via Upstream.ph, KTX, Iwant, and TFC at P250 only, good for the entire family.

 

 

***

 

 

MAMA’S Girl daw si Sue Ramirez.

 

 

Up to now raw ay sinusubuan pa siya ng mommy niya ng good pag sabay silang kumakain sa bahay.

 

 

Gustung-gusto raw ng mommy niya na ipagluto siya ng kanyang mga favorite food.

 

 

Kung sakali raw nagkakaroon man sila ng tampuhan ng kanyang mommy, nilalambing lang daw niya para mawala ang tampo nito. Tapos sasabihin niya na ipagluto siya ng something to eat.

 

 

Pag naglambing na raw siya ay nawawala na ang tampo ng kanyang ina. (RICKY CALDERON)

Other News
  • Malakanyang, todo-depensa sa desisyon ng IATF na manatili ang NCR at iba pang lugar sa alert level 2 status

    TODO-DEPENSA ang Malakanyang sa naging desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na panatilihin ang Kalakhang Maynila at karamihan sa lugar sa bansa sa ilalim ng Alert Level 2 status.   “Right now, hindi pa tayo handa na mag-declare ng any Alert Level 1 sa ngayon, ” ayon kay acting Presidential Spokesperson at […]

  • Maritime laws, mahalaga para protektahan ang PH waters – PBBM

    SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na makatutulong ang bagong maritime laws sa Pilipinas para protektahan ang teritoryo nito sa pamamagitan ng paglikha ng malinaw na delineasyon ng territorial waters nito.   “Marami tayong sinasabi that we have to protect our sovereign rights and our sovereignty. So, it serves a purpose that we define closely […]

  • SA 45th SEASON: 1 PBA TEAM, ‘SIKRETONG’ FOR SALE

    MAAARING magkaroon ng isang independiyenteng koponan sa Philippine Basketball Association (PBA) kapag natuloy ang negosasyon ng isang malaking kampanya na matagal nang atat na makatuntong sa unang propesyonal na liga sa Asya at sa bansa.   Hindi lantaran ang posibleng pagbebenta sa isang prangkisa sa liga dahil lahat halos ng mga koponan ay patuloy ang […]