Nuezca, sibak na sa serbisyo sa PNP
- Published on January 12, 2021
- by @peoplesbalita
Sibak na sa serbisyo at itinuturing nang sibilyan si Police SMSgt. Jonel Nuezca, isang pulis na isinisangkot sa pagpatay ng ilang sibilyan matapos ang alitan sa “boga” at “right of way,” ayon sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP), ika-11 ng Enero. Ito ang kinumpirma ni PNP spokeseperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana .
“[Chief PNP Debold Sinas] has just announced it following the approval of RD, NCRPO on the dismissal [from service] of PSSgt Nuesca which is [effective] today po,” paliwanag ni Usana ngayong araw.
“He is now considered ex-PSsgt po, a civilian.”
Naghain naman ng “not guilty” plea si Nuezca kahapon kahit kita sa video ang pagbaril niya sa ulo ng ‘di armadong magnanay sa Paniqui, Tarlac nitong Disyembre.
Inilabas ni Sinas ang desisyon matapos unang hamunin mag-resign ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez kung hindi aniya marereporma ang PNP, bagay na humaharap sa batikos dahil sa brutal na pamamaslang ng mga alagad ng batas sa mga taong dapat nilang pinoprotektahan.
Kasalukuyang nililitis ng korte si Nuezca para sa kasong double murder, ngunit itinatanggi pa ring may kasalanan sa nangyaring pagpatay kahit rinig na rinig sa mga viral videos ang kanyang pag-usal ng mga sumusunod na salita: “Putangina, gusto mo tapusin na kita ngayon?” bagay na kanyang sinabi bago kalabitin ang gatilyo.
Kinundena na ng mga human rights groups at ilang media personalities ang naturang pagpaslang, na siyang isinalarawan ng ilan na “sobra-sobrang” aksyon ng mga alagad ng batas.
Ilang mambabatas sa ngayon gaya nina Sen. Manny Pacquiao at Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ang nananawagan na maibalik na ang parusang bitay para sa mga karumal-dumal na krimen kasunod ng malagim na insidente. (Gene Adsuara)
-
Alok ng DOLE na payagan ang libo-libong mga health care workers na magtrabaho sa UK at Germany
WELCOME sa Malakanyang ang alok ng Department of Labor and Employment (DoLE) na hayaan ang libo-libong mga health care workers na karamihan ay nurses na magtrabaho sa United Kingdom at Germany kung ang dalawang bansa naman ay pumayag na mag-donate ng COVID-19 vaccines. Sinabi kasi ni Alice Visperas, director ng labor department’s international affairs […]
-
‘Si PNoy ang nagpatuloy ng mga ‘di natapos nina Ninoy at Cory’ – Ballsy
Walang humpya na pasasalamat ang ipinapaabot ng pamilya Aquino sa maraming mga nakiramay at nagdarasal sa kanilang pamilya kasunod ng pagkamatay ng dating Pangulong Nonoy Aquino. Naging mabilis ang pangyayari. Aminado ang iniwang pamilya ni PNoy na gulat sila. Sa loob ng dalawang araw ay naihatid sa kanyang huling hantungan ang […]
-
Nabiktima nang i-prank call sa paglipat sa GMA: PIOLO, sinabihan si BEA ng ‘Adik ka. Yun na yun?!’
TAGUMPAY ang prank calling ni Bea Alonzo sa kanyang kapatid na James at sa mga kaibigan, na kinabibilangan nina Kakai Bautista, Mark Nicdao, Piolo Pascual at Vice Ganda. Last April Fool’s Day, nasa bahay lang daw si Bea at walang magawa. At mag-check siya sa comment section ng YouTube channel may suggestion na […]