Nuggets, hindi naisalba ng monster double-double ni Jokic
- Published on January 6, 2025
- by Peoples Balita
Hindi naisalba ng monster double-double ni Nikola Jokic ang Denver Nuggets matapos itong tapatan din ni San Antonio Spurs center Victor Wembanyama.
Sa naging bakbakan ng dalawa ay muli kasing kumamada si Jokic ng 41 points, 18 rebounds, at siyam na assists.
Gayunpaman, tinapatan naman ito ni Wemby ng 35 points at 18 rebounds.
Naging mahigpit ang laban sa pagitan ng dalawang bigating koponan at makailang-beses na nagpalit ng lead.
Sa pagpasok ng huling quarter, hawak ng Nuggets ang tatlong puntos na kalamangan ngunit pinilit ng Spurs na ungusan ang 2023 NBA champion.
37 seconds bago matapos ang laro, nagawa ng Spurs na hawakan ang isang puntos na lead, 111 – 110, habang hawak ng Nuggets ang bola.
Pinilit ni Jokic na magpasok ng 3-point jump shot ngunit bigo itong magkonekta habang nakuha naman ng Spurs ang rebound.
Gayunpaman, na-out of bounds ang Spurs sa naging transition play kayat napunta sa Nuggets ang bola. Agad namang nagpatawag ang koponan ng timeout at sa pagbabalik sa laro ay tinangka ni Jokic na ipasa ang bola sa kaniyang teammate ngunit agad itong naagaw ni Wemby.
Agad ipinasa ni Wemby ang bola kay Davin Vessel para sa isang driving dunk, 2 seconds bago matapos ang laro.
Hindi na nakahabol ang Nuggets sa nalalabing dalawang segundo at natapos ang laro sa 113 – 110.13 – 110.
-
Mariing itinanggi ang akusasyon sa kanya: RICHARD, nag-file ng cyber libel complaint laban sa nagpakalat na may inabandonang anak
NAG-FILE ng cyber libel complaint ang Kapuso actor na si Richard Yap laban kay Nina Mabatid dahil sa pagkalat nito na meron siyang inabandonang anak. Sa Facebook account ng aktor naka-post ang kanyang warrant kay Mabatid. “Thank you Lord that the wheels of Justice are finally moving. Even though she tried to influence […]
-
Disaster response ng NDRRMC, LGUs, at kinauukulang ahensiya ng pamahalaan, dapat na scientific, innovative -PBBM
SINABI ni President Ferdinand Marcos Jr. na dapat na ibase sa science-based innovation ang disaster response ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). “It has become imperative that our Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) system undergoes continuous improvement to address evolving circumstances. It includes our individual obligation to follow proactive, […]
-
Navotas nag-uwi ng maraming awards, recognitions
NAG-UWI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas kamakailan ng maraming awards at recognitions kamakailan mula sa Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD). “These awards and recognitions should inspire us more to always improve and upgrade the quality of our services,” ani Mayor John Rey Tiangco. Sa […]